"Hey, bakit nakasimangot ka jan?" tanong ni Peter habang nasa elevator sila."Huh? Ah, sorry, dahil lang 'to sa sakit ng ulo ko.""Yun nga ba o dahil nagseselos ka?""Huh? Hindi ah... kanino naman ako magseselos?""Syempre kay Solen at Gray!""N-no way! Bakit ako magseselos sa kanila? Wala na kami ni Gray at bahala siya kung ano'ng gusto niyang gawin sa bahay niya. Hmp!" Napalakas ang boses niya sa pag-explain."Hahaha... you're so funny, Rosabel. Para ka pa ring bata... kaya yan ang gusto ko sa'yo noon eh... napaka-inosente mo.""Noon?""Yeah, noon.... Pero syempre, hindi na ngayon."Medyo na-insulto siya sa sinabi ni Peter."Don't get me wrong, Rosabel. I still like you, pero ayaw ko namang pilitin ang sarili ko kung nakikita kong mahal niyo pa din ni Gray ang isa't isa."Napatingin siya sa kaibigan. Bigla siyang nahiya. Ganun ba sila kahalata ni Gray?"Natalo na niya ako noon sa'yo at hindi ko na ulit ipapahiya ang sarili ko kung alam kong wala naman akong laban. Ano naman ang laba
Last Updated : 2025-06-01 Read more