It's past 3 in the morning. Natutulog na si Rosie sa tabi niya. Siya, eto, gising na gising pa at hindi dalawin ng antok. Nakasandal lang siya sa headboard habang umiinom ng alak.Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na naangkin na niya si Rosabel. Pangarap na niya ito simula noong college pa sila. Malaki lang ang respeto niya kay Rosie at sa mga magulang niya na nagpapaaral kay Rosie, at siyempre sa nanay nitong umaasa na magkaroon ng diploma si Rosie balang araw.Ngayong natupad na nila ang lahat ng iyon... nakagraduate at professionals na silang dalawa, siguro naman ay ang buhay pag-ibig naman nila ang dapat nilang pagtuunan ng pansin?Actually, nang dumating si Rosie sa Pilipinas ay naramdaman niyang distant ito sa kanya, pero dahil sa pagpupursige niya na muli itong mapa-ibig ay muling bumalik ang kanilang pag-iibigan.He never stopped loving Rosie... and maybe Rosie too. It’s just that parang may pumipigil sa nobya niya. Marahil siguro ay nahihiya ito dahil ang mga mag
Last Updated : 2025-06-05 Read more