Nang sa wakas ay naalis na ang posas sa kanyang mga kamay at paa, ay lumabas sila ng basement. Madilim pa rin ang paligid dahil walang kailaw-ilaw doon. Gabi na rin at tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila."Where is Rosabel?" tuloy pa rin siyang hinahanap ni Mr. Enriquez."Hindi sila makakalayo, ang kung sino man ang kumuha sa kaniya. Kanina lang ay nag-uusap pa kami bago kayo pumasok..." napaisip siya. Kaya siguro nagsa-struggle si Rosabel kanina, at may nakita siyang anino. Yun siguro ang kumuha sa nobya niya. Masyadong kulob ang lugar, ni walang kabintana-bintana doon."Gray! Anak!" sigaw ng mommy niya kasama ang daddy niya. May dala itong flashlight. Tumutok iyon sa mukha niya."Mom! Dad, huhuhu...""I'm glad you're safe, anak.""Si Rosabel, Mom… Dad… Nawawala si Rosabel! Kanina lang ay magkasama kami doon sa basement pero nang makita kami ng mga pulis, ay wala na siya doon sa pwesto niya!""Huh? Paanong nangyari ‘yon? May natira pa bang kidnapper dito?
Terakhir Diperbarui : 2025-06-24 Baca selengkapnya