"There you are!" Natigil ang pag-uusap nila ni Lolo Beth nang dumating ang mga kaibigan niya."Rosabel, bakit di ka sumunod sa amin doon sa pool?" tanong ni Clarckson."Sorry guys, mas masarap si Lola Beth kasama kesa sa inyo,." biro niya na ikinatawa naman ng matanda."Hahaha... Salamat naman, iha. Gusto ko palaging maingay dito sa rancho. Sana dito na lang kayo o kaya naman palagi n'yo kaming bibisitahin dito ng Lolo Gregore n'yo.""I promise, Lola, bibisitahin kita dito at least once or twice a month." pangako niya sa matanda."Aasahan ko 'yan, Rosabel ha. Magkasama kayo ni Gray na bibisita sa amin dito.""Ahm... baka busy si Gray, Lola eh. Pwede bang ako na lang?""Sige, ikaw ang bahala."Hindi nya alam kung may alam ito tungkol sa kanila ni Gray pero nagpapasamat sya at hindi ito nag uusisa. "Mukhang nagkakasayahan kayo d'yan ah?" tanong ni Lolo Gregore na papalapit sa kanila."Nakikipagkuwentuhan lang ako dito sa mga bata, mahal. Pakiramdam ko ay bumabata din ako kapag mga bata
Last Updated : 2025-06-27 Read more