Habang lumalabas sila ng parking ay nakita niya ang security guard na nakabantay doon.“Good evening, Ma’am Rosabel, Sir Gray,” bati nito sa kanila. May kakaibang tingin ang lalaki sa kanya. Palagi siya nitong binabati kapag nakikita, pero naiilang siya sa pamamaraan ng pagbati nito sa kanya.“Kamusta na pala ang pinapaasikaso ko sa’yo sa CCTV?” tanong ni Gray sa security“Ahm, ‘yan pa nga sana ang sasabihin ko sa inyo, Sir Gray...” Napakamot ito ng ulo. “Corrupted po ang SD card ng CCTV... wala kaming makita.”“What?!” Nakita niyang tumigas ang mukha ni Gray. “Ayusin niyo ‘yan! Hindi puwedeng ganyan. Palitan na ang dapat palitan!”Maging siya ay nainis din dahil hindi niya malalaman kung sino ang nang-harass sa kanya noong isang linggo doon sa parking.“Hayaan mo na, babe,” pigil niya kay Gray. “Hindi naman na siguro babalik ang lalaking nang-harass sa akin.”“Sana lang, dahil kapag nahuli ko siya ay siguradong makukulong siya,” matigas na sagot ni Gray.Sumakay na sila sa kotse saka
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya