“Kung gusto mo, Precious, ipagluluto na lang kita. Doon na din ako titira sa condo mo,” sabi ni Bert na ikinagulat nila ni Lilly. Mukhang nagpaparamdam ang tauhan niya kay Precious.“Hihihi… wag na… baka ma-inlove ka pa sa akin at ‘di mo mapigilan!” balik-biro ni Precious kay Bert.“Pwede naman. Single ka, single naman ako.”“Huy… maghunos-dili kayo, malalandi kayo! Precious! Dito ka pa sa ospital naglalandi pagkatapos mong muntik mamatay?”“Kaya nga na-realize ko, boss, na live life to the fullest kasi hindi natin alam kung hanggang kailan na lang tayo dito sa mundo. Kahit na anong ingat ko sa pag-drive, kung meron talagang makakasalubong na kamoteng driver, madidisgrasya ka talaga.”Hindi pa niya masabi na hindi lang iyon aksidente, kundi sinadyang banggain si Precious.“Kung ganun… tayo na?” sabat ni Bert“Huy, Bert! Ang bilis mo ha… hindi ka pa nanliligaw sa akin, gusto mo tayo na agad?”“Eh ‘di ba sabi mo live life to the fullest? You only live once, make the most out of it! Araw
Last Updated : 2025-08-15 Read more