Dinala siya ni Dylan sa isang mamahaling restaurant. Pinili nilang umupo sa private area para makaiwas sa mata ng publiko. Ang mga bodyguard niya ay nasa kabilang table at nagbabantay pa rin sa kanya. Kabilin-bilinan ni Finn na huwag siyang iwan kahit saan siya magpunta.“Lilly, I know hindi ako palaging present sa buhay mo, but now that I am here, asahan mong palagi na ako sa tabi mo. Anytime you need help, I'm here. You can count on me.”“Thank you, Dylan,” sambit niya.“Ang mga bodyguard mo, palagi ba 'yan nakabuntot sa’yo?” may inis ang pagkakasabi nito.“Yeah. I need them.”“Pero andito naman ako. Kaya kitang protektahan.”“No… kailangan ko sila.” muling sabi niya. Mas mapapanatag kasi siya kapag madaming nagbabantay sa kanya.Maya-maya ay may message siyang natanggap, galing iyon kay Finn."Lilly, your bodyguard told me may kasama ka daw na lalaki at nagdi-dinner kayo? Who is he?"Napangiti siya. Nabalita na pala ng kanyang mga bodyguard sa boss nila. She doesn’t mind kung chine
Last Updated : 2025-08-07 Read more