“Boss, jackpot na tayo,” ani Bert habang nakatingin kay Rogelio na halos maglupasay na sa sahig. “Kung ipepresenta natin ‘to, diretso kulungan sina Dylan at Mateo.” "Oo, may bigat ang salaysay ni Rogelio, pero wala pa tayong malakas na ebidensya talaga. Paano kung magsinungaling ‘yan? Kapag nagkataon, baka masabing gawa-gawa lang natin, at higit sa lahat, kilala ko ang mga Cruz… hindi sila basta-basta malalaglag." sagot nya kay Bert habang nakatingin kay Rogelio. “Bert, i-secure mo si Rogelio. Huwag na huwag siyang hayaang makatakas. At ipasok mo siya sa safehouse, hindi sa presinto. Baka may mga pulis na nakapuwesto na mga tauhan pala ng mga Cruz. Baka sa isang iglap, wala na tayong testigo.” Tumango si Bert. “Copy, boss.” Lumapit siya kay Rogelio, inilapit niya ang mukha lalaki. “Makinig ka... Gusto mong mabuhay? Gusto mong makalabas pa nang may pag-asang makapiling pamilya mo? Kung gusto mong makaligtas, huwag na huwag kang bibitaw sa sinasabi mo ngayon. At simula ngayong gabi
Last Updated : 2025-08-20 Read more