“NABUSOG ka ba, anak?” tanong ni Victoria kay Lucas pagkatapos nilang kumain.Nasa terrace silang dalawa noon at nagpapahangin habang nakaupo sa tig-isa nilang rocking chair.“Busog na busog po, Mama,” sagot ang anak niya sa kanya.Isang mabait na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Victoria. Pagkatapos ay muli katulad ng madalas nilang gawin ng anak niya ay magkasama nilang pinagsaluhan ang kapayapaan ng lugar na iyon.Napakagandang tanawin at masarap ang simoy ng hangin.“Mama, kapag nakatulog ako huwag muna ninyo akong gigisingin ah,” ani Lucas sa kanya na naghikab pa.Tumawa ng mahina si Victoria. Pagkatapos ay nagbukas ng bibig para sagutin ang sinabi ng anak niya. “Ayaw mo ba doon sa kwarto mo?” tanong niya dito.Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ng binata bago nito sinagot ang tanong niyang iyon.“Dito nalang ako, Ma. Masarap ang hangin. Paggising ko, Ma, ipagtimpla mo ako nung paborito kong kape, ah,” ang naglalambing pang request ni Lucas saka ito lumingon sa
Última atualização : 2025-10-15 Ler mais