Kung kailan napatahan ni Carmela ang anak, niya, hindi na niya masabi. Marami itong tanong na kahit si Anthony ay hindi nasagot. At ang lahat ng iyon ay nagdulot ng paghihirap sa kanyang kalooban.Sa paglipas ng mga araw ay nanatili sa malaking bahay si Clarissa. At kahit hindi naging madali, minabuti ng kaniyang ama na pansamantalang bigyan ng bakasyon ang mga katulong at trabahador habang hindi pa nila napagpapasiyahan kung ano ba talaga ang dapat nilang gawin. Hindi rin kasi alam ng mga ito ang tungkol sa tunay na kundisyon ng bata. Iniiwasan kasi nilang may makaalam na iba para na rin sa safety ng anak niya.Sa huli ay tanging siya, si Martin, si Anthony si Nanny Norma na lamang ang naiwan doon, kasama si Clarissa.“Babalik nalang kami ng Maynila, Papa. Sa tingin ko mas makabubuti iyon para sa anak ko,” aniya habang tahimik na pinanonood si Clarissa na lumalangoy sa malaking swimming pool ng kanilang mansyon. Kasama nito si Anthony na nakaupo sa lounging chair na nasa gilid ng poo
Última atualização : 2025-10-16 Ler mais