Share

TRIST & RAM 4

Penulis: Black_Jaypei
last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-06 12:35:59

TRISTAÑIA

“DITO kami madalas pumunta ni Inspector para mag celebrate kapag may accomplishment. Mula ngayon, makakasama ka na namin Lieutenant sa mga accomplishment.”

Tumango ako at tumingin sa paligid. Sa gitna ang dance floor may ilan-ilang sumasayaw. Madaming mesa na ukupado na May ilan-ilan ring naglalaro ng billiards sa gilid habang nag-iinuman.

Malapit sa counter may bakanteng mesa kaya doon kami pumuwesto. Um-order ka agad ng drinks si Sargeant Victor at pulutan ganu'n din ng tatlong baso para sa aming tatlo.

Binuksan ni Sargeant ang isang bote ng brandy at tinagayan ang dalawang baso at natigilan ng sasalinan ang isa.

“Umiinom ka ba Lieutenant?”

“Oo naman, bakit hindi?” Porket ba babae hindi umiinom?

“Baka naman magalit ang boyfriend.” Sinalinan niya na ang isa pang baso. Natawa ako. “Wala akong boyfriend.”

Ilalapag na sana ni Sargeant ang baso sa harap ni Inspector pero natigilan ito at tumingin sa gawi ko. Kumunot ang noo ng makita ang gulat sa mukha niya.

“Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?!” Hindi makapaniwalang tanong niya. Nahiya naman ko sa kaniya na nasa 40's na wala pang asawa.

“Eh sino 'yong babaeng kasama ni Thyne Xavier no'ng isang gabi?” Agad akong napalingon kay Inspector. Tiningnan niya ako na para bang hinahamon niya ako.

Alam niyang ako 'yon, nagseselos ba siya?

“Malay ko.” Ano namang pakialam niya 'di ba?

“Hasyt! Kung sabagay ang gwapong inspector na ito wala ring girlfriend.” Tumawa si Sargeant habang tinuturo si Inspector.

“Maaring wala pero ilan na ba ang na ikama?” Ganti ko sa kaniya. Na samid naman si Sargeant ng sarili niyang laway. Tinaasan niya ako ng isang kilay. Psh!

”Ano nga ulit ako Sargeant?”

“Inspector.”

“At siya?”

“Lieutenant.”

Nakangiting tumingin ako sa kaniya. “We're off duty.”

“Oo nga naman! Magkakaibigan tayo dito!” Sang-ayon sa akin ni Sargeant kaya mukhang pikon siya.

“Madaming nagsasabi na sa pulis ang true love pero bakit single kayo?” Maniniwala na sana ako sa sabi-sabi kung may girlfriend siya. Tsk!

Kinuha ni Inspector ang baso sa kamay ni Sargeant. Tumingin ako sa kaniya dahilan para magtama ang mata namin. Teka, bakit kakaibang makatingin si Inspector? Wag mong sabihin na amoy pa lang ng alak lasing na siya? O baka naman na galit ko?

“Ito Lieutenant,” Tinanggap ko ang baso. “Sana ngayong gabi mahanap natin ang taong nararapat para sa atin. Cheers!”

Nakangiting uling ako at nagkampay kami ni Sargeant. Natigilan naman kami ni Sargeant ng uminom na si Inspector. Tuloy-tuloy kami sa pag-iinuman. Akala ko na pikon sa akin si Inspector pero hindi naman pala nakikipag-usap pa nga siya sa akin ng matino.

Masayang kasama si Sargeant Victor ang dami niyang baong kwela hindi ka malalasing sa alak kundi sa kakatawa. Hindi ko nga namalayan na nakakarami na kami kung hindi pa ako nakaramdam ng hilo hindi ko masasabing lasing na ako.

“Pupunta lang ako sa ladies room.” Paalam ko sa kaniya.

Tumayo ako at natigilan ako ng makita kung umiikot ang paligid. Muntik na akong matumba mabuti na lang nakahawa ako sa mesa.

“Ayos ka lang, Lieutenant?" I thumbs up on Sargeant Victor sign that I'm okay.

“Kaya mo pa ba?” Tanong naman ni Inspector. Ngumisi ako at tumayo ng tuwid.

“Ako pa ba?”

Naglakad ako papunta pero ramdam ko na gumigiwang ako. Tumingin ako sa gawi nila inspector, dumuduble man ang paningin ko nakikita ko pa rin na pinagtatawan nila ako.

“Aray!”

Hindi ko na pansin may kasalubong ako kaya bumanga ako sa matigas nitong dibdib hindi naman malakas ang impact pero sapat na iyon para mawalan ako ng balanse at bumagsak ang sa table ng apat na lasing na lalaki.

“Hoy, miss! Sinayang mo ang inumin namin!”

“Naghahanap ka ba ng gulo?”

“Pare, lasing na si Miss beautiful! Miss gusto mo bang ihatid kita... Sa langit?”

“Pare sasabayan kita!”

Nagtawanan ang apat na lalaki. Inis na tumayo ako at hinarap ang lalaking bumungo sa akin. Nagtagpo ang mata naming dalawa. Hindi ko alam kung anong nangyari pero malinaw na nakikita ko ang kaniyang gwapong mukha.

Makapal at itim na itim na kilay, ang itim niyang mga mata parang pinapatay ka sa titig. Kung hindi lang ako pulis kanina pa ako tumakbo sa takot dahil sa uri ng titig niya. Matangos ang kaniyang ilong, manipis at kulay-rosas na labi. Makinis ang kaniyang mukha na bumabagay sa kulay ng balat.

“Hoy, miss!”

Hinablot ng lalaki ang braso ko kaya agad ko sinuntok sa mukha. Sinuntok ako nito pero na iwasan ko kaya agad ko siyang sinipa sa tagiliran. Bumagsak ito sa mesa at tuluyan itong na sira dahil iyon ang binagsakan ko kanina.

“Pumapalag ka pa? Banatan niyo!"

Utos ng pinabasak ko dahilan para sumugod ng sabay ang dalawang kasamahan niya. Sinipa ko ang isa nawalan ako ng balanse dahilan para mapaupo ako sa sahig. Sinubukan kung tumayo pero wala na akong lakas. Dinampot ng isang lalaki ang upuan at ihahampas sa akin pumikit ako at hinarang ang dalawang kamay sa ulo ko at hinintay na tumama ito sa katawan ko.

“Put it down, bastard.”

Napalunok ako ng marinig ang malamig na baritonong boses. Iminulat ko ang mata ko at nag-angat ng tingin sa may ari ng boses. Napakurap-kurap ako dahil hindi ko inakala na ganu'n ka ganda ang boses niya.

Hinanap ko ang mga lalaki at nakita ko itong nakatayo sa gilid habang nakayuko. Anong nangyari sa mga 'to? Bakit biglang tiklop?

Pinagpag ko ang kamay ko at sinubukang tumayo pero agad rin akong natigilan ng may kamay na inabot sa akin. Agad akong nag-angat ng tingin sa may ari nito. Nanlaki ang mata ko at ilang beses akong napakurap-kurap. Nang walang pagbabago kinusot ko ang mga mata ko at muli itong pinakatitigan.

“Thyne?”

“Sabi ko naman sa 'yo. Susunduin kita kahit ayaw mo pa.”

Imposible!

***

"WAKE up hard-headed sleeping beauty!”

Kumunot ang noo ng sumalubong sa akin ang malakas na ingay ng pinto. Sa lakas ng katok sa labas para itong gigibain.

“You! Drunker lady, wake up!”

Kinuha ko ang isang unan. Dumapa ako at tinakpan ko ang aking tenga. Ang sakit na nga ng ulo ko mas pinapasakit pa nito ang ulo ko. Iminulat ko ang mata ko na iba ang amoy ng unan ko. Muli ko itong inamoy at pamilyar na amoy panlalaki.

Mabilis akong umupo sa kama at agad rin akong natigilan

Sinapo ko ang ulo ko ng bigla itong kumirot. Napangiwi ako at tumingin sa paligid. Kinapa ko ang sarili ko, kompleto naman ang damit ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang cellphone at baril ko sa bedside table.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Thyne. Seryosong-seryoso ito at nakapamulsa, umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ano ba ang nangyari ka gabi?

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang nangyari ka gabi. Lumabas kami nila inspector. Nalasing ako pero alam may naka-away ako ka gabi pero hindi ko alam kung bakit ako na punta sa condo ni Kuya Thyne?

“Kailan pa naging basagulera ang Lieutenant namin ah? Wag na wag ka na ulit iinom kung gagawa ka ng gulo. Mabuti na lang may kinita akong kaibigan sa lugar na 'yon dahil kung hindi, basag 'yang ilong mo!”

Sumampa siya sa kama at pinisil ang ilong ko. “Aray! Kuya ano ba! Masakit! Tama na!”

“Parusa mo 'yan sa paglalasing mo!” Pinitik niya ang noo ko. “Para naman 'to sa pakikipag-away mo.”

“Aray ko!” Hinaplos ko ang noo ko.

Akmang pipitikin niya ulit ang noo ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pinigilan ko siya at agad kong inabot ang cellphone ko. Tumatawag si Inspector at hindi ko ito sinagot pero agad rin akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya.

Patay!

“Anong problema?” He asked.

Mabilis ang kilos na umalis ako sa kama. Tumakbo ako papunta sa banyo at naghilamos at nag-ayos ng sarili. Sinukbit ko ang baril ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

“Love. May pag-uusapan pa tayo!”

“Nagmamadali ako next time na lang kapag may libre ako! Bye-bye!”

“Sandali—

Nagmamadaling lumabas ako ng condo niya ngunit agad rin akong napabalik sa loob at in-lock ang pinto ng makita ko na madaming paparazzi ang naghihintay sa labas. Sumandal ako sa pinto at ipinikit ko ang mata ko. Bumuntong hininga ako. Nang imulat ko ang mata ko bumungad sa akin si Kuya Thyne na naka-cross ang mga braso habang nakatitig sa akin ng seryoso.

“Ano magmamatigas ka pa?”

“Anong ginawa mo para maging tambayan nila ang labas ng condo mo?” Balik kung tanong sa kaniya at tinaasan ako ng kilay.

“Bakit hindi mo tanugin ang sarili mo, huh?”

Patay!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 24

    “HINDI mo ba alam na masyadong delikado ang ginawa mo, Mister Angel Ratchasi? O mas gusto mong tinatawag na Ram?” Nagsalubong ang kilay ni Angel Ratchasi. Matalim na tingin ang itinapon niya kay Captain Wenard na nakatayo sa paanan ng hospital bed na kinahihigaan niya. “Which one you prefer, Captain...” Ngumisi si Captain Wenard na may pang-aasar ang uri ng titig nito. “Pumunta ka sa SIF para magreport ng kidnapping pero ikaw mismo ang gumawa ng hakbang dahil ang totoo alam mo kung sino ang kumuha sa pamangkin mo, ang tanong sino ka ba talaga Angel Ratchasi?” He lick his lower lips before he smirked. “No offense, Captain, I suggest you read newspaper, magazines or article in the internet. If you are not satisfied in it... Be my guest.” Ang ngisi sa mukha ni Captain Wenard agad na napalitan ng galit na mukha at nanlilisik ang mata nitong nakatingin kay Angel Ratchasi. “Wag na tayong maglokohan pa dito, Ram! Kapatid ka ni Nemuel at walang ibang papalit sa pwesto niya kundi ik

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 23

    “FELIX, kailan mo ba ako kukunin dito ah?” Inis na turan ni Vivian sa kabilang linya. “Kaunting-kaunti na lang, Honey, bago 'yan kailangan may gawin ka muna para sa akin...” Kahit hindi niya makita ang mukha ni Felix alam niyang nakangisi ito. “Hindi 'yan ganu'n kadali, Felix, alam mo bang may isa pang tagapag-mana?” “Ano?!” Bulaslas ni Felix. “Bago mo patayin si Ram kailangan mo munang unahin ang buwisit na m*****a niyang pamangkin! Anak siya ni Nemuel at legal na tagapag-mana.” “Kung ganu'n, magagamit ko siya...” Nakangising tumango si Felix. “Na saan siya ngayon?” “Nasa school siya ngayon pero ang alam ko didiretso siya sa restaurant kung saan sila magkikita ni Ram.” “I love you, Vivian.” Sambit ni Felix bago ibinaba ang cellphone. Nakangising nakatingin si Vivian sa replika ng kaniyang sarili mula sa whole body mirror sa loob ng banyo. “Tingnan lang natin kung saan aabot ang kamalditahan mo, Raya... Makakaganti rin ako sa inyo ni Ram!” *** “MALE-LATE ng kaunti si Boss, s

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 22

    SABAY na napatingin si Lieutenant Trist at Inspector Jade nang bumukas ang pinto ng hideout nila. Bumungad si Sargeant Victor na hinihingal. “Inspector, Lieutenant, alam ko na kung na saan si Clyde!” Nagkatitigan si Inspector at Lieutenant. Sa dalawang araw nilang ginugol sa paghahanap kay Clyde, hindi ito madaling hanapin dahil palipat-lipat ito ng location. “Good job, Sargent.” Tinuro ni Inspector Jade si Sargeant Victor. Tumayo si Inspector Jade at isinuot nito ang jacket bago naglakad palabas ng pinto. Agad namang umalis si Lieutenant Trist sa silya na inuupuan niya at agad na sumunod sa dalawa. Sumakay sila sa taxi na pinapasada ni Sargeant Victor at dinala sila sa isang squatter area. Itinuro ni Sargeant Victor ang dalawang palapag na bahay na pa upahan kung saan si Clyde tumutuloy pansamantala. “Maghiwa-hiwalay tayo. Sa harap kayong dalawa, sa likod ako dadaan.” Bilin ni Inspector. “Kung hindi kinakailangan wag gagamit ng baril, maraming tao ang madadamay.” Dagdag pa nito.

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 21

    “MUKHA yatang may tinamaan kay Lieutenant, Boss.” Puna ni Martin. Kanina pa nakaupo si Ram sa stool sa harap ng counter sa mini-bar niya sa loob ng mansion. Hindi mapigilan ni Martin na punain dahil kanina niya pa ito napapansin na nakangiti habang umiinom. “She's interesting.” He sip on his glass before he look to Martin who was standing not so far to him. “Interesado ka ba talaga sa kaniya? Baka naman dahil sa siya ang pulis na nakapatay kay Nemuel o dahil isa siyang Sandoval?” “Nice question, Martin. What do you think the answer is?” He smiked that's make Martin smile. *** “VIVIAN, let me go!” Protesta ni Raya. Winaksi ni Raya ang kamay ni Vivan na pilit siyang pinipigilan nito na wag lumabas ng mansion. Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Raya at sinundan naman siya ni Vivian. “Sinabi na ngang hindi ka pwedeng lumabas ng mansion! Ibinilin ka sa akin ni Ram na pagkagaling mo sa school, wala kang ibang gagawin o pupuntahan kundi sa kwarto mo at mag-aral!” Huminto si Raya at

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 20

    NASA bar kami kung saan nagta-trabaho si Gong. Wala si Gong nang dumating kami at nakakuha kami ng pwesto sa gilid sa madilim na parte ng bar kung saan malapit sa mga babaeng sumasayaw sa stage. Malinis ang record nang bar na ito at legal ang lahat ng transaction. Nakakapanghinala na isang mafia boss ang may-ari ng bar na 'to, walang bakas ng kung anong illegal. Nagmamasid sa paligid kung may mga kahina-hinalang bagay. Mula sa mga bouncers, waitress, and dancers, they're look like a normal people who want to earned money. Wala sa mga staff ang kahina-hinala kundi sa mga costumers dumating. Speaking of the costumer, pumasok sa entrance ng bar ang lalaking nakapurong itim, ang gwapo nito sa kaniyang kasuotan at ang cool niya kung maglakad. Sa likod niya nakasunod ang dalawang bodyguard. “Anong ginagawa niya dito?” Tanong ko ng makita si Angel Ratchasi. Napatingin si Sargeant Victor at Inspector Jade sa gawi ng tiningnan ko. Mahinang tumawa si Sargeant Victor dahilan para mapating

  • The Lieutenant And Mafia's Angel   TRIST & RAM 19

    “MARAMI akong naririnig tungkol sa mga Sandoval, pamilya ng mga Mafia. Hindi naman sa wala akong tiwala sa'yo Lieutenant pero gusto ko lang itanong, isa ka rin bang Mafia?” Sargeant Victor asked. “Wag mo sanang mamasamain, Lieutenant.” He added.“Makakaasa ka, Sargeant Victor na buo ang loob ko sa propesyon na pinili ko, sana ganu'n din ang tiwala niyo ngayon na alam niyo na ang pamilya na pinanggagalingan ko.” “Kung ganu'n, sinasabi mo bang handa kang kalabanin ang pamilya mo kung sakaling mapatunayan na lumalabag sila sa batas?” Natigilan si Tristañia sa tanong ni Sargent Victor. Mahirap para sa kaniya ang mamili sa pagitan ng dalawang bagay na mahalaga sa kaniya. Sa pagkakataong ito, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang nakakabuti para sa lahat.“Tama na 'yan, Sargeant, labas tayo sa personal na buhay ni Lieutenant. Hindi natin pwedeng pakialaman ang bagay na labas sa kasong hinahawakan natin.” “Pasensiya na, Lieutenant.” She tap Sargeant Victor shoulder. “Naiintindihan ko,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status