"Mommy!" Sigaw ni Venice nang makita siya nitong dumating. Kaya pala wala sa loob ng mansion ang anak at mommy niya dahil sa pool pala ang mga ito at naliligo. "Careful, anak," aniya at binilisan ang lakad para salubungin ang anak niya. Ang cute nito tignan na naka two-piece swimsuit lang. Nakasunod naman dito ang mommy niya na katulad ni Venice at nakasuot din ng two-piece. Walang kupas pa rin talaga ang ganda ng mommy niya. Ang sexy-sexy pa rin talaga nito hanggang ngayon, kaya nababaliw pa rin ang daddy niya sa mommy niya eh. "Mommy," sambit ni Venice at yumakap sa kanya. Kaya naman hindi niya alintana na binuhat ang anak kahit mababasa siya. "Naku anak, basa iyan baka mabasa ka rin," anang mommy niya. "Its okay mom." "Mommy, where is daddy? Bakit hindi mo siya kasama?" inosenting tanong ni Venice nang maupo sila sa bench habang nakakandong sa kanya ang anak. Si Kurt ang daddy na tinutukoy nito. "Ah eh, may pinuntahan pa kasi si Daddy anak, pero mamayang gabi nandi
Terakhir Diperbarui : 2025-05-19 Baca selengkapnya