MYLES "Hi, Myles!" Tila nanigas sa kinauupuan niya si Myles nang marinig niya ang pagtawag ni Kurt sa pangalan niya. Nakita pa talaga siya nito kahit pa iniyuko na niya nang todo ang ulo niya sa harapan ng laptop niya. Pero nagkunwari siyang hindi ito narinig at pinagpatuloy ang pagtitipa sa laptop niya kahit pa hindi na niya alam kung tama pa ba ang mga letrang pinipindot niya sa keyboard nito. Ang bilis ng tibok ng puso niya kasi sa mga oras na ito. "Myles," ulit na tawag ni Kurt sa kanya at ngayon ay nakaupo na sa tapat niyang upuan. Shit! Mura ni Myles sa isip niya, saka nag-angat ng tingin sa kaharap. "P-Prof. Kurt, kayo po pala," aniya at alanganing ngumiti rito. "Hmmn yeah, sobrang busy mo 'ata at hindi mo kaagad narinig ang pagtawag ko sa 'yo," anito na may ngiti sa labi. "Oh, narinig ko, sadyang nagbingi-bingihan lang prof," aniya sa isip. "A-Ah, eh, yes prof Kurt. Kaya pasensya na," sambit niya. Napatingin siya sa dala nitong paper bag, marahil nasa loob n
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya