STELLA LUNANapahilot ako sa sintido ko dahil sa inis na nararamdaman. Pakiramdam ko tuloy ay mas lalo lang lumalala ang hilo ko sa sitwasyon—o baka sa ugali nilang dalawa.Wala na ata akong dapat ikahiya rito. Simula pa lang naman, alam ko nang hindi normal ang pamilyang kinabibilangan ko. Bata pa lamang sila ay nahuli na niya itong may babae sa kwarto—isang eksenang hanggang ngayon ay pilit ko pa ring iniiwasan sa alaala ko. Hindi man malinaw ang lahat ng detalye, sapat na ang nakita niya para mabuo ang gulo sa isip niya noon.At ngayon, heto na naman siya.Ang kambal niya—o kung kambal nga ba talaga niya oh tatay—kanina pa paikot-ikot sa harap namin na parang walang kapayapaan ang katawan. Hindi mapakali, hindi mapagdesisyunan kung uupo ba o tatayo, at sa bawat hakbang ay mas lalo lang akong nahihilo sa presensya niya.Gusto ko na nga siyang kaltukan. Kung hindi lang dahil sa pagod at sa sitwasyon, baka kanina ko pa nagawa."Pwede ba, maupo ka na lang," pigil ko, medyo matalim ang
Read more