STELLA LUNALumipas ang walong buwan at halos manganganak na rin ako. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng bawat paghinga, bawat hakbang, pero kasabay noon ang matinding excitement. Tuwang-tuwa si Mommy nang malaman niyang kambal ang magiging anak namin. Parang hindi pa rin ako makapaniwala—dalawa pala ang maliit na buhay na sabay na lumalaki sa loob ko.Mas lalo akong naging abala sa paghahanda. Maging si Madame Celia—na ngayon ay tinatawag ko na ring Mommy—ay hindi ko inakalang magiging ganoon kaalaga sa akin. Noong una, akala ko mahirap siyang lapitan, malamig at laging seryoso. Pero habang tumatagal, unti-unti niyang ipinapakita ang kabaitan niya. Ngayon, parang natural na lang ang tawanan namin habang namimili ng gamit ng mga kambal.Sila ang madalas kong kasama—sa pagbili ng damit, crib, bote, at kung anu-ano pang kailangan. Kapag napapagod ako, si Mommy ang nag-aalaga sa akin, pinapaupo ako at pinapahinga. Si Mommy naman, lagi akong pinapatawanan kahit kinakabahan ako sa paparating
Read more