"Sha... Ano ba, tumigil ka sa kakalakad, pwede ba?" Sigaw ni Berting."Ano? Bakit ako titigil?Pag tumigil ba ako, mahal mo na ako? Pag hininto ko ang paglayo, magugustuhan mo na ako? Kapag sinunod ba kita, pakakasalan mo na ba ako ? Ha ? Sagot...!! Sigaw din ni Akesha."Ano ba? Seryosong usapan nga.Tumigil ka, sabi ng kakalakad, magkakaloslos na ako kakahabol sa'yo, eh. Pwede ba itigil mo na yung kalokohan mo? Hindi ka na nakakatuwa, eh. Kahit saan na lang, puro ka biro," sabi ni Berting."Sino bang nagbibiro ha?" Luminga-linga si Akesha."Wala naman dito si Dolphy o si Babalo ah. Saka mabuti ngang magkaloslos ka nang hindi ka na maghabol pa ng iba. Habol ka ng Habol sa taong di naman tumatakbo yun nga lang di sayo patungo ang lakad""Ano? May tililing ka na naman ba? Sinusumpong ka ba ng pagkalukaret mo? Sabi kase sa'yo, huwag kang kumain ng hilaw na bayabas, eh," sabi ni Berting."Tse! Dyan ka magaling mang inis at mang asar. Kaya ka hindi nagustuhan ni Teng, eh puro ka ganyan," sabi
Baca selengkapnya