MASUNURING NAMILI NGA doon si Ceska kahit na ang totoo ay sobrang hiyang-hiya siya na gawin ang bagay na iyon. Gusto niyang tumanggi kaya lang baka isipin ng kanyang biyenang babae na bukod sa maarte siya, wala man lang siyang pakisama gayong siya na ang binibigyan nito ng mga alahas. Masusi siyang pinanood ni Briel, lihim na proud ang mga mata niyang nakatingin sa kanya. Masaya rin siya sa manugang na ito ang babaeng minahal ni Brian. Mukhang simple lang. Papasa rin naman si Piper na mas mas madaldal, ngunit anong magagawa niya na mas ito ang mahal ng anak nila?“Ito, bagay ‘to sa’yo hija…” offer pa ni Briel sa kanya na sinubukang itapat sa tainga niya ang pares ng gold earrings.Sa bandang huli ay limang set ng jewelries ang nakuha ni Ceska. Bukal sa loob na ibinigay iyon ni Briel. Ayaw pa nga sanang tanggapin ni Ceska ang lahat ng iyon, pero dahil pinilit siya ng biyenang babae kung kaya naman ay wala siyang choice kung hindi kunin na lang iyon kahit pa alam niya sa kanyang sarili
Huling Na-update : 2025-09-04 Magbasa pa