Share

Chapter 36.3

last update Last Updated: 2025-09-02 22:03:59

NAGING KULAY DUGO pa ang mukha ni Ceska sa hiya nang sabihin iyon ni Brian. Binuksan na nito ang pintuan ng sasakyan matapos na muli siyang yakapin ng ilang segundo at tuluyan na doong lumulan. Binuhay na ang makina ng sasakyan. Bago tuluyang umalis ay muli pa itong kumaway at saka nag-flying kiss sa kanya, mariing ikinailing niya iyon.

“Tss. Mrs. Bianchi…” ulit niya na parang nakalutang sa alapaap ang kanyang pakiramdam.

Sa opisina ni Gabe nagdiretso si Brian. Walang ginagawa ang pinsan nang magtungo siya at halatang iniintay siya nito.

“Ang tagal mo ha? Huwag mong sabihin sa akin na tinutukan mo pa ng baril si Ceska para lang pumirma?” nilakipan niya pa iyon ng malakas na tawa na parang inaasar siya, “O hwuag mong sabihin sa aking nag-honeymoon kayo pagkatapos?”

“Nauna na iyong honeymoon bago ang pirmahan.” patol ni Brian na inilapag na ang documents na kanyang dala.

“Alam ba ito ng mga magulang niyo?” muling tanong ni Gabe na humilig sa gilid ng kanyang table at dinampot ang ibini
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
siraulo ka talaga geo kawawa naman si cheska at brian alam mong may sakit yan si cheska gago ka Giovanni diko gusto ginawa mo buti naman di nagmana sayo anak mo kawawa si briel sayo noon masyadong kang babaero at hindi mo siya pinandigan noon tagal pa bago mo nging asawa siya
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
ay apo ngarod hahaha kulit mo rin lolo gob hahaha mbuti nlang mbilis kumilos si brian
goodnovel comment avatar
Lany D Nuñez
pasaway tlga Ang Lolo gov. mo Gabe...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.2

    BAHAGYANG UMINGIT ANG aso kung kaya naman binuhat niya ito at nilagay sa ibabaw ng kama. Diretso itong pumunta sa maliit na space na pagitan nina Hunter at Haya. Padapang nahiga si Gabe, paharap sa kanila. Hinaplos ang ulo ni Otso.“Tulog na tayo…”Tanghali na nang magising si Gabe. Wala na ang kambal sa kama at wala na rin doon ang aso. Nasa living room na ang mga ito. Humahalay ang panaka-nakang sigaw ng dalawang bata na para bang tini-training nila ang alaga nilang aso. Bukas nang maliit ang pintuan kung kaya naman naririnig niya ang ingay ng dalawang bata. Maliit na napangiti si Gabe. Maya-maya pa ay narinig niya ang mahinang mga yabag na paakyat. Hinintay ni Gabe kung sino ito sa mga anak nila. Si Hunter. “Are you awake now, Mommy?” lapit nito sa kama sabay sampa. “Hmm…” mahinang ungol niya na nakatingin pa rin ang mga mata sa namumulang pisngi ni Hunter. “Naglalaro kami ni Haya sa baba. Nilalaro namin si Otso.” kwento nito na para bang kailangan niyang sabihin iyon. “Okay

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 75.1

    TUMALIKOD NA ANG lalaki. Akmang aalis na ng silid nang makita niyang nagdilat ng mata si Gabe. Bigla itong bumangon kahit na pupungas-pungas at halatang hindi pa gising nang lubusan ang kanyang diwa. “Aalis ka na?” Lumapit si Atticus sa asawa na nasa gilid na ng kama. Yumakap si Gabe sa kanyang beywang at binaon angn mukha nitong antok pa sa banda ng kanyang tiyan. Hinayaan naman siyang gawin iyon ni Gabe, hinaplos pa ang gulong buhok.“Hmm…” “Have you had breakfast?” Tinitigan ni Atticus ang kanyang mukha, maya-maya pa ay muling yumukod upang halikan lang ang labi ng asawa. Tumagal iyon ng ilang segundo. Ginantihan naman iyon ni Gabe kahit wala pang toothbrush na mas pinikit ang mata.“I’ll be back in five days. Ikaw na muna ang bahala sa ating kambal na mga anak.” Naramdaman ni Atticus ang mas humigpit na yakap ni Gabe sa kanyang katawan. Iyong tipong ayaw siyang paalisin. “Gusto mo bang—”Bumitaw si Gabe sa yakap sa kanya ngunit si Atticus naman ang yumapos sa kanyang katawan

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.4

    SINULIT NILANG MAG-ASAWA ang gabing iyon. Mula sa cloakroom ay dinala ni Atticus ang asawa sa kama. Walang kaba na baka magising ang mga anak nang mga sandaling iyon nang dahil sa labis na himbing sa kanilang pagtulog. Mula rin ng gabing iyon ay nakitaan niya si Gabe ng malaking pagbabago. Marahil ay isang factor ang pagpapakilala niya sa asawa sa kanyang pamilya. Labis iyong ikinaligaya ni Atticus. Sa puntong iyon ng kanyang buhay ay wala na siyang mahihiling. “So kailan ni Mrs. Carreon nais na magkaroon ng wedding ceremony?” Kinuhang pagkakataon iyon ni Atticus upang tanungin ang asawa. Ilang beses nitong sinabi na kuntento na siya sa katotohanang legal silang kasal, ngunit para kay Atticus ay nais niya pa ‘ring ituloy kung ano ang plano nila noon na magkaroon ng wedding ceremony. Nagka-edad man sila, para sa lalaki ay wala pa rin iyong pagbabago sa kanyang gusto.“Papayag ka kapag sinabi kong kapag nakabuo na tayo ng magiging kapatid sina Haya at Hunter?” harap ni Gabe sa kanya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.3

    BAHAGYANG KINUROT NA ni Gabe sa tagiliran ang asawa ng pino dahil sa huling sinabi nito. Sinandal niya pa ang ulo sa kanyang isang braso bilang paglalambing. Sanay na siyang makarinig ng mga ganung jokes buong buhay niya at hindi na rin bago iyon, kaya bakit dadamdaminniya pa at pakai-isipin?“Hindi iyon, ang tanda ko na para maging balat-sibuyas, Fourth. Totoo naman din na ganun ang talaga ugali ko dati ah? Itatanggi ko pa ba iyon? Mataas. Batas. Dominante. Maarte. Hindi ko rin ‘yun kinakaila na personality ko. Iyon ako eh. Nobody is perfect. Maganda lang ako pero may flaws ang ugali.” “Pfft! Defeated ka. Papayag kang talo ka?”“Bakit ako hindi papayag? Ano bang gusto mo? Ipilit ko na hindi ako ganun kahit aware ako sa sarili ko na ganun ang ugali ko? Kahit ikaw alam mo ‘yun, Fourth. Hindi mo lang sinasabi sa akin dahil mahal mo ako.”Totoo naman nga iyon. Lumiwanag pa ang mukha ni Atticus. Mukhang nagbago na talaga ito ng lubusan. “Siya nga pala narinig ko mula sa secretary mo na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.2

    TUNAY IYON, SA personality din ni Piper, mukhang bigatin ito at tapos din ito ng kolehiyo kaya hindi maintindihan ni Gabe kung bakit papasok itong secretary ng kanyang kapatid at magpapaalipin dito. Hindi sa minamata niya ang pagiging hamak na secretary nito dahil alam niyang mahirap ang trabaho na ‘yun, pero palaisipan sa kanya bakit nagagawa nito na pagtiisan pa ang magaspang na ugali ni Bryson.“Or baka ang magaling kong kapatid ay nag-offer ng malaking sweldo? Pero hindi eh. Kung pera lang ang habol ni Piper, ang daming paraan. Ang weird talaga.”Hindi iyon pinansin ni Atticus na diretso lang sa pagmamaneho. Nasa kalsada pa rin ang mga mata.“Ibig mong sabihin ay si Bryson at si Piper na dating fiancee ni Gabriano ay mayroong relasyon? Intimate relationships? Boyfriend to girlfriend vibes, ganyan?” “Hmm, kaya imposibleng mangyari ang sinasabi ni Mommy at Daddy na blind date para sa kanya. Tiyak akong tatanggihan iyon ni Bryson. Ang palaisipan lang sa akin ay bakit hindi niya pa s

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.1

    HATINGGABI NA NANG makabalik ang mag-anak ng kanilang villa. Nakatulog na ang kambal sa kanilang byahe, pagod na pagod ang mga ito nang dahil sa ginawang paglalaro kasama ang kanilang mga pinsan. Panay ang hikab ni Gabe na panaka-naka ang tingin sa likod kung nasaan ang kanilang mga anak.“Mabuti na lang at dala mo ang gamot nila, hindi na natin kailangan pang gisingin ang mga bata mamaya pagdating ng villa at dire-diretso na ang tulog nila.” “Oo nga eh, mabuti na lang. Tiyak na iiyak na naman si Haya kung nagkataon na papainumin na naman.” Ginagap ni Atticus ang isang kamay ng asawa. Walang pagsidlan ang tuwang nakabalot sa kanyang puso. Proud na proud siya na nagawa niyang madala ang kanyang mag-iina sa kanilang villa at iharap sa mga magulang na alam niyang tuwang-tuwa na rin.“Ano namang masasabi mo sa ginawa niyong pagbisita sa aking pamilya? Enjoy ba? Sulit ba kayo?” Ngumiti na nang malapad si Gabe. Binalikan niya sa isipan ang mga naging kaganapan kanina sa villa. Mainit an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status