NAGTUNGO DOON SI Benedict na dumating kanina matapos na makaalis si Brian upang makita lang si Ceska. Nakilangoy na rin siya na hindi naman pinagbawalan ng mga magulang nito. Muling tinitigan ni Benedict ang babae, ilang minuto pa ay nakilala na niya kung sino ito. Malamang ay kapatid ito ni Gabriano. May hawig ito sa kapatid at sa pinsan nilang si Gabe. “Hindi ako maglalangoy kung nilalamig ako. Saka, hindi ka ba naturuan ng salitang privacy? Masamang naninilip—” “Excuse me?” putol ni Gia na bahagyang ipinaypay ang isang palad sa kanyang mukha na bagama’t malamig ay naramdaman niya ang biglang pag-iinit noon, nameywang na ang kanyang isang kamay upang ipakita dito ang pagtataray. “Anong pinagsasabi mong naninilip? Malay ko bang ibang tao ka? Ang buong akala ko ay ikaw si Kuya Oscar!” Umangat ang gilid ng labi ni Benedict na halatang natutuwa sa reaction ng inosenteng mukha ni Gia. Lalo pa iyong namula na para bang nahihiya ito sa daloy ng kanilang usapan. Di na magawang tanggalin
Terakhir Diperbarui : 2025-08-23 Baca selengkapnya