PINATULIS NI HAYA ang kanyang nguso at nilingon ang ama. Tumingin naman si Atticus kay Gabe na iniiling ang ulo sa kanya. Sino ba naman siya para tumutol?“Anak, tama ang Mommy. Saka may sakit din si Hunter, ilapit na lang natin ang kama ni Otso dito.”Tiningnan ni Haya si Hunter na nag-oobserba lang sa kanila. Ngumiti ang kapatid niya saka tumango doon. “Listen to them, Haya. You can still play with Otso tomorrow. Come on, put Otso down on his bed.”“Kapag sumunod ka sa gusto ko, babasahan ko kayo ng bedtime stories.” tuloy pa ni Atticus na pang-uuto.After much coaxing, Haya finally agreed to let Otso move over to his bed. Excited ng nahiga si Haya sa kabilang banda ni Atticus. Napapagitnaan nila ito ni Hunter. Awtomatikong yumakap ang munti nilang mga braso sa katawan ng ama na mas lumapad pa ang ngiti sa labi. Bumalik naman si Gabe sa loob ng banyo para ang sarili naman ang kanyang asikasuhin.“Daddy, every night na ba tayong ganito?”“Hmm, kung ‘yun ang gusto niyo.”Alas nuwebe
Terakhir Diperbarui : 2025-12-03 Baca selengkapnya