NOONG SUMAPIT ANG araw ng Sabado, sinimulang tawagan ni Gavin ang mga anak upang pumunta ng villa nila sa Batangas. Maging ang anak na panganay ng kapatid niyang si Briel ay kanyang idinamay. Aniya, mas marami ay mas masaya. Muli pang naging maingay ang villa nila ng asawang buong linggo ay napakatahimik dahil halos sila lang ang naroon. Excited na ang kambal na mga anak nina Gabe at Atticus na pumunta sa bahay ng kanilang grandparents sa ina. “Totoo Mommy, naroon si Franco na anak ni Tito Gabriano?” “Hmm, iyon ang sabi ng iyong Lola.” “Hunter, narinig mo? Naroon si Franco.” baling pa ni Haya sa katabing kapatid na panay ang hikab at halatang antok. Ilang beses na nilang nakalaro ang anak na iyon ni Gabriano na unang kita pa lang ay nagustuhan na ng dalawang bata. Minsan ay dumadalaw din sila sa villa nina Gabriano at Ceska at hinahayaan na maglaro ang mga anak. Franco usually had a serious little face, but he would become a spoiled brat in his mother's arms. Medyo may pagka-supl
Last Updated : 2025-12-19 Read more