HINDI NA SUMAGOT si Gabe na tiningnan na lang nang makahulugan ang asawa. Naniniwala siyang magagawa nga iyon ng asawa lalo na at mabilis lang naman matuto ang mga bata. Isa pa, lagi silang nakikinig sa anumang sabihin din ng ama. Kumbaga mabilis na makaka-adopt ang kambal sa kung anumang tinuturo at ituturo ni Atticus sa kanya.“Madam, Sir. Ready na po ang inyong dinner.” sungaw ng ulo ng maid sa bukas na pintuan ng kanilang silid.Sabay na napalingon ang mag-asawa sa may pintuan.“Sige, susunod na kami sa inyo sa ibaba.” si Gabe ang sumagot na nilingon na ang mga anak na busy pa rin noon sa kanilang mga pasalubong na nakakalat na ang iba sa sahig mula kay Atticus, “Kids, narinig niyo ang sinabi ni Manang? Kakain na tayo. Mamaya niyo na ituloy ang paghahalungkat ng mga pasalubong. Come on, tara na sa ibaba. Tayo na kayong dalawa diyan. Bitawan na ang mga hawak.” utos pa niya sa kanilang mga anak na nakalingon na noon sa kanila.Tumalima agad ang dalawang bata. Sinamahan sila ni Atticu
Last Updated : 2025-12-25 Read more