HINDI IYON NAGAWANG banggitin ng hipag na si Bethany sa kanya. Hindi sa sila ang kanyang sinisisi sa nangyari, pero sa palagay niya ay may kakulangan din sa information ang hipag niya.“Tama, kakaalis lang ng pamangkin mo dito at halos mamatay sa kakaiyak ang anak ko. Pinaasa niya lang. Tapos ngayon bigla na lang niyang hihiwalayan? Walang bayag iyang pamangkin mo. Dapat una pa lang, tinanggihan na niya si Faith!” “Calm down, Farrah. Tatawagan ko si Kuya Gav. Tatanungin ko kung may alam sila sa bagay na ito. Let's sort things out.”Pagkapatay ng tawag ay walang inaksayang sandali si Briel kahit na nakatingin na nang makahulugan ang asawa niyang si Giovanni sa kanya. May pagbabanta na ang kanyang mga mata na huwag ng makialam sa problema ng mga bata, ngunit hindi siya makakapayag. Responsibilidad niyang alamin kung ano ang nangyari. Siya rin kasi ang nag-reto dito eh. “Magtatanong lang ako, hindi ko pagagalitan si Bryson. Gusto ko lang maliwanagan kung saan siya nanggagaling, okay?”
Read more