IILANG RING PA lang ay agad ng may sumagot ng tawag. Nakailang tikhim pa ang matandang lalaki sa kabilang linya.“Hijo, tumawag ka kung kailan dalawang taon na ang nakakalipas. Sobrang late ka na.” Umigting ang panga ni Bryson nang marinig niya ang tinig ng matandang lalaki na halatang tuwang-tuwa sa mga nangyari. Kumukulo na agad ang dugo niya sa kanya iyon pa lang ang kanilang napag-uusapan.“Hey, are all men in love a little stupid? Kung hindi, dahil sa talino mong ‘yan, nakabalik ka na sana sa bansa sa loob pa lang noon ng isang buwan. Ah, siguro dahil may nakilala ka na ngayong ibang babae? Sabi sa iyo ng Tito Maverick eh, dapat nakikinig ka sa akin. Ang mga sinasabi ko ay nakabatay sa karanasan, huli na ang lahat, wala na ang pagkakataon.” Muli pang nagngalit ang ngipin ni Bryson. Pikon na pikon na siya sa kanyang kausap.“Tito, bakit hindi mo naman kasi sa akin sinabi kaagad? Hinintay mo pa talagang—” “It's mutual! Compared to your own father, I'm not even one ten-thousandth
Last Updated : 2026-02-13 Read more