SA ARAW NA binili iyon, hindi lang si Piper ang masaya at Nana Selda. Tuwang-tuwa rin ang triplets sa bagong kotse nila. Madalas na commute sila kapag gumagala at ngayon na may sasakyan na, alam nilang comfortable na silang mauupo kung mamamasyal.“Mommy, when I grow up can I drive this car?” si Paxton ‘yun na hindi maalis ang tingin sa sasakyan. “Of course, iyon ay kung buo pa ang sasakyang ito sa paglaki niyo.”“Then, ingatan mo ito Mommy para paglaki namin pag-aaralan namin e-drive.” sabat bigla ni Palmer.“Silly boys, huwag kayong mag-alala mga apo kapag lumaki na kayo, hindi lang BMW ang e-da-drive niyo, baka nga sports car pa at mamahaling sasakyan!” si Nana Selda na naging dahilan para lingunin ni Piper.Tumikhim ang matandang babae. Tila mabubulunan. “Ibig kong sabihin ay hindi malabo iyong mangyari kung magsisikap ang mga bata. Huwag mo akong tingnan ng ganyan, hija. Wala akong masamang ibig sabihin.” depensa pa ni Nana Selda, ayaw ng tumingin ng diretso sa mga mata ni Pipe
Read more