MAHIGPIT NA YAKAP at mabilis na halik sa labi ang iniwan ni Bryson kay Piper, bago hinaplos isa-isa sa ulo ang triplets. “See you later, kiddo!” “Ingat, Daddy!” kaway pa ng tatlong bata na pinagmasdan na umalis ang sasakyan ng ama sa garahe ng villa.Isang oras matapos na makaalis ni Bryson nang dumating naman si Nana Selda. Sunod-sunod na tumakbo pasalubong ang triplets sa kanya na animo taon bago sila muling magkita. Bahagyang naiyak pa nga si Pietro nang yumakap na dito. “Miss na miss ka namin, Nana…” bulong-bulong nitong ayaw ng umalis sa pagkakakarga.“Asus, na-miss rin naman kayo ng Nana. Hindi pa naman sobrang tagal noong huli tayong nagkita ah?” Niyakap na ni Nana Selda ang triplets. Kita sa kanilang mga mata ang labis na pananabik sa matanda, ganun din si Nana.“Ang mga bata?” unang tanong ni Piper nang mag-isa lang dumating ang matanda. Inaasahan niyang kasama nito ang dalawang anak ni Seth gaya ng kanilang napag-usapan ng nagdaang gabi.“Naku, hindi pinayagan ng kanila
Read more