MADALAS NA MAGLUTO ang kanyang inang si Bethany ng masasabaw na pagkain dahil umano mas healthy kung breastfeed ang parating na bagong magiging apo. Napag-alaman kasi nila na ang triplets ay hindi. Hindi naman kasi kakayanin ni Piper ang tatlong sanggol na dumede ng gatas dati. “Bryson sa labas naman tayo kumain mamaya.” pagdating sa harap ng building ay lambing ni Piper sa kanya, humawak pa ang babae sa isang braso ng asawa at nakangiti na. “Bakit?”“Sawa na kasi ako sa mga gulay na dinadala ni Mommy,” si Bethany ang tinutukoy ni Piper, “Feeling ko tuloy kulang na ako sa protina dahil doon. Sagana nga ako sa ibang vitamins na kailangan ng katawan, pero may kulang pa rin dahil hindi balance ang lahat ng kinakain.”“Okay, saan mo gustong kumain?” “Pag-iisipan ko pa. Mamaya ko sasabihin pagsundo mo sa akin.” maligayang turan ni Piper na humalik na sa asawa at umambang aalis na, pinagmasdan lang siya ditoni Bryson. On Bryson days off, he dresses casually at home, but he still looks g
続きを読む