MARAHAS NA PININGOT ni Piper ang tainga ng asawa nang makalapit sa kanya. Ilang segundong hindi iyon binitawan. “Aray, bakit ka namimingot?!” Hinimas na ni Bryson ang kanyang tainga matapos na bitawan iyon ni Piper. “Narinig ko ang mga sinabi mo kay Nabe, wala kang utang na loob sa pagiging mabuti niya sa’yo.” Tumawa lang si Bryson at hindi na nangatwiran pa sa asawa dahil alam naman niyang mali nga siya. “Paano mo ngayon iyon susuyuin? Dapat hinayaan mo siyang kargahin ang anak natin. Masyado kang malupit.”Habang nag-uusap silang dalawa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Maverick, ang dating amo ni Piper.“Mr. Alvarez..” ngiti ni Piper habang nakahiga pa rin noon ng kama. Lumapit na si Bryson sa dating amo ng asawa. Hindi man niya ito gustong-gusto, may respeto pa rin siya dito. “Salamat sa mga dala mong regalo, Tito Maverick…” kuha na agad ni Bryson sa mga dala nito di pa man binibigay. “It’s my pleasure…”“Piper, maiwan ko na muna kayo ni Tito Maverick. Bababa
اقرأ المزيد