SUMAMA NA SILANG mag-iina kay Bethany patungo ng villa. Sinabi ng Ginang na ipapahatid na lang sila mamaya pauwi kung kaya naman hindi na kailangang isama pa ang family driver na iniwan na sa kanila ni Bryson. “Mommy, feeling ko rin ay makikita na natin si Daddy ngayon sa personal.” bulong naman ni Paxton na ipinagkibit-balikat lanh ni Piper, laging ganun ang triplets na lihim niyang hiling na sana nga ay bigla ng mag-manifest. “Ako rin, Mommy, feeling ko rin.” pakikisali pa ni Pietro, batid naman ni Piper na gaya-gaya lang ang tatlo sa bawat isa noon ng sinasabi. “Miss niyo na talaga ang Daddy niyo?” nakangiting lingon ni Bethany sa mga apong nasa likod ng sasakyan tabi-tabing nakaupo. “Opo, Lola.” mabilis na sagot ni Pietro na nasa labas na ang mga mata nakatingin na halatang excited sa kanilang pupuntahan ngayon.“Oh, malamang ay miss na miss na rin kayo ng Daddy niyo mga apo…kung ano kasi ang nararamdaman
Read more