HUMANGA PA LALO si Savanna sa pagiging mahaba ang pasensya ng doctor. Kung sa ibang lalaki iyon, baka sinunggaban na siya at nag-take advantage na sa pagiging mapagbigay niya. Ganitong character ang gusto niya. Batid niyang magtatagal sila.“Thank you, Dustin…” Hinaplos ng lalaki ang kanyang isang pisngi gamit ang likod ng palad. “Pasok na sa loob para makaalis na ako…”Pag-uwi ni Savanna ay gising pa ang kanyang ina at halatang hinihintay siyang dumating. “Ipaghahanda kita ng makakain—” “Mom, huwag na. Busog pa ako. Galing kami sa labas ni Dustin.” “Alam ko, pero malay ko bang nagutom ka sa pakikipag-date mo hanggang hatinggabi?” “No, Mom…” himig ni Savanna na tinanggal na sa balikat ang dala niyang bag. “Sa room na po ako.”Hindi na siya pinigilan ng Ginang na sinundan lang ng maligayang tingin ang likuran. “Kung may gusto kang kainin, sabihin mo lang sa akin para naman maluto ko!” Tinaas ni Savanna ang isang kamay habang hindi lumilingon. “Good night, Mom!” After taking a
اقرأ المزيد