TUMANGO-TANGO ANG ULO ni Savanna bilang pag-agree sa ina. Hindi naman talaga siya interesado. Ginagawa lang niya iyon para wala ng maraming tanong. Itinuloy lang ng babae ang pagkain. Malayo na ang isip noon. “Okay naman siya, Mom. Pwede na siyang maging husband material. Gentleman din siya.”Tuwang-tuwa na ang kanyang ina sa narinig.“Talaga?”“Hmm, sa palagay mo ilang buwan pa bago ka alukin ng kasal? Huwag ka ng magpapakipot. ” Iginalaw ni Savanna ang kanyang balikat. Hindi niya alam at ayaw niyang manguna. Isa pa, hindi rin naman siya nagmamadali doon.“Bakit hindi ka mamili ng mga bagong damit mo para kapag may date kayo ni Dustin ay iyon ang susuotin mo? Matagal-tagal na noong huli kang namili ng para sa iyong sarili. Gastusan mo naman ang sarili mo, anak. Huwag kang masyadong magtipid. Hmm?”Doon na nag-react si Savanna. “Mom, hindi na kailangan ‘yun. Marami pa akong maayos na mga damit eh. Saka, tingin ko hindi naman iyon maarte si Dustin doon.” Natuto na si
Read more