BRYSON HELD THE steering wheel and looked at the road ahead intently. He hummed. There was a red light ahead. Hininto niya ang sasakyan at tiningnan ng mataman ang asawa. Ang asawa na sa sandaling iyon ay tahimik na.“Ganun talaga ang buhay, Piper. Hindi porket umayos na ay tapos na ang mga pagsubok. Susubukin at susubukin pa rin kayo ng panahon upang mas patatagin. Tama sina Mom at Dad, hindi porket naging okay na kayo ay happy ending na talaga ang bagsak niyo.”Tinango ni Piper ang ulo na para bang mauunawaan ang lahat ng sinabi ni Bryson. “Kaya nga…”“Hayaan natin sila, matanda na sila at kahit anong pagsubok pa ang dumating, kaya na nilang lutasin ang lahat ng ito ng di umiiyak.” Ginagap ni Bryson ang kamay ng kanyang asawa gamit ang libre niyang isang palad.“Oo na, tama ka. Huwag na tayong makialam sa kanila, buhay natin ang ating asikasuhin.”On Christmas Eve, the Dankworth family gathered together, and even Gabriano and his wife, Gia, and Vaniel came over. Hindi kasama ang
Read more