NATUTOP NG TATLONG bata ang bibig sa sinabing iyon ng ina. Nagpipigil ng matawa sa pagkapahiya ng ama na namula na ang dalawnag tainga. Namilog naman ang mga mata ni Bree na nilingon na ang kanyang ama.“Piper, ayan ka na naman—”“Labas na, para makalabas na rin kami.”“Alright.” taas ng dalawang kamay ni Bryson, sign na sumusuko na siya sa diskusyon nila. “Let’s go, Bree. Sa labas na natin sila hintayin.”Sinubukang kunin ni Bryson si Bree na umiling at humigpit pa ang yakap kay Piper. Kapwa ikinagulat ng mag-asawa ang reaksyon ng kanilang bunsong anak, mas umiyak pa ito.“No, Daddy! I want to stay with Mommy!”Halos maghalo na ang luha at laway ng bata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.“Bree, you heard your Mom. Let’s go, baby…”“No! I said no, Daddy!”Tiningnan ni Piper si Bree. Puno ng pakiusap ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Magseselos na naman ito s triplets oras na masaksihan ang gagawin niyang pagbati dito.“I want to stay, Mommy. Brittany wants to stay here
Read more