เข้าสู่ระบบNATUTOP NG TATLONG bata ang bibig sa sinabing iyon ng ina. Nagpipigil ng matawa sa pagkapahiya ng ama na namula na ang dalawnag tainga. Namilog naman ang mga mata ni Bree na nilingon na ang kanyang ama.“Piper, ayan ka na naman—”“Labas na, para makalabas na rin kami.”“Alright.” taas ng dalawang kamay ni Bryson, sign na sumusuko na siya sa diskusyon nila. “Let’s go, Bree. Sa labas na natin sila hintayin.”Sinubukang kunin ni Bryson si Bree na umiling at humigpit pa ang yakap kay Piper. Kapwa ikinagulat ng mag-asawa ang reaksyon ng kanilang bunsong anak, mas umiyak pa ito.“No, Daddy! I want to stay with Mommy!”Halos maghalo na ang luha at laway ng bata habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.“Bree, you heard your Mom. Let’s go, baby…”“No! I said no, Daddy!”Tiningnan ni Piper si Bree. Puno ng pakiusap ang mga mata habang nakatingin sa kanya. Magseselos na naman ito s triplets oras na masaksihan ang gagawin niyang pagbati dito.“I want to stay, Mommy. Brittany wants to stay here
NAGAGAYAKAN NG KULAY asul at puting lobo ang malawak na garden ng mansion ng mga Dankworth. Makulay ang telang nakabalot sa mga lamesa at upuan para sa mga bisita ng kanilang pamilya. May malaking tarpaulin na nakakabit sa pinaka-stage kung nasaan ang ilang palapag ng cake ng triplets at ang table ng mga souvenirs na ipapamigay sa mga bisita. Mas marami ang invited na mga bata keysa sa mga matatanda. Iyon ang gustong mangyari ng mag-asawang Piper at Bryson, ang mag-enjoy ang mga anak na kasama sila. Kung mga matatanda lang ang invited, aagawin nila ang main event para sa mga bata. “Paki-check nga doon banda!” malakas na utos ni Piper sa pinakamalapit na maid sa kanya. “Yes, Madam.”May kinuha at ni-rentahan silang dalawang clown. Suggestion iyon ng ama nilang si Gavin na madalas niyang gawin dati sa kaarawan ng mga anak lalo ni Gabe para mas memorable.“Dad, are you sure kailangan pa namin ng clown? Hindi ba mas makakagulo lang ‘yun?”“Oo Bryson, makinig ka sa akin. Proven and teste
MAVERICK WAS SLIGHTLY stunned. Hindi masundan kung ano ang sinasabi ni Savanna. Para siyang wala sa tamang katinuan. Marahil dala ng matinding tensyon ng kanilang kasal kung kaya medyo humina ang kanyang pang-unawa sa mga bagay-bagay. Napansin naman iyon ni Savanna na kinuha na ang isa niyang kamay at marahang pinisil habang nakangiti ng malaki at nakatunghay ang mga matang walang kurap sa mukha ng asawa.“Tama ka ng dinig, Maverick. You may be a father again but this time with our child. Buntis ako. Bago pa man tayo tuluyang maikasal ay nagawa mo ng magpunla ng binhi.” matalinghaga pang turan ni Savanna.Binhi? Punla?“You are pregnant?”Ilang beses na tinango ni Savanna ang kanyang ulo. Wala pa sana siyang planong sabihin iyon sa asawa, pero hindi na mapigilan ng matabil niyang dila. Hindi na niya mahintay ang magiging reaksyon dito ni Maverick. “Are you serious, Savanna?”“Yes. Bakit naman ako magbibiro pagdating sa bagay na ito? Totoo ang sinasabi ko, Maverick.”Upang patunayan
SA SANDALING TANGGAPIN ni Maverick ang kamay ni Savanna na personal na ini-abot ng kanyang, naramdaman agad ni Savanna ang pangangatal ng palad ng mapapangasawa. Ibig sabihin ay hindi lang siya ang kinakabahan, kundi pati si Maverick ay nararamdaman din iyon. Aminado naman doon ang lalaki na dinaan na lang sa ngiti ang kaba. Kung kanina ay ang taas ng self-confidence niya, ngayon ay parang biglang natibag iyon na magkasama na silang nakaharap sa altar upang mangako sa lumikha na anumang mangyari, hindi nila pipiliin na maghiwalay lalo na kung ang dahilan noon ay maliit lang na mga problema at paminsan-minsang hindi pagkakaunawaan. “Please take care of her, Maverick. Alam kong mahal mo ang anak ko at aalagaan mo siya. Huwag mo sana siyang bibiguin at sasaktan.”Dinaan lang ni Maverick sa marahan na tango ang sagot niya. Hindi niya magawang ibuka ang bibig, alam niyang gagaralgal ang tinig. “Oras na paiyakin mo siya, hindi ako mangingiming bawiin ang anak ko sa’yo.”“Huwag po kayong m
TAHIMIK NA PUMASOK si Savanna ng banyo. Kinuha ang pakete ng pregnancy test na pasimple niyang kinuha. Kailangan niyang tingnan kung tama ba ang kutob niya. Baka mamaya ay umaasa lang siya na sa huli ay wala rin palang napala pa. “Ate Savanna, are you sure hindi mo kailangan ng kasama sa loob? maybe you need help?” si Nabe na bakas na ang pag-aalala sa kanyang tinig, nakatayo sila ni Gia sa harap ng dahon ng pintuan. Nag-aabang sa paglabas ni Savanna dito. “Yes, hindi na. I can manage myself. Hintayin niyo na lang ako diyan sa labas.” “Okay, uulit ko ayaw mo bang tawagan namin si Tito Maverick?” si Gia naman ang nangulit, nabuhay na ang pag-aalala.“Oo, huwag na. Huwag niyo na siyang abalahin pa. Alam niyo naman matanda na siya, baka biglang atakehin kapag nalaman na masama ang pakiramdam ko. Low energy lang naman ako. Wala akong ibang nararamdaman bukod dito.” “Okay…” “Saka, naubos lang ang excitement ko. Ilang araw na kasi akong hyper.” sagot pa ni Savanna habang naghihintay ng
MATULIN NA LUMIPAS ang mga araw at sumapit ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib nina Maverick at Savanna. Dala ng labis na excitement, umaga pa lang ng araw na iyon nang maghanda na si Savanna para sa kanyang kasal. Hands on siya sa mga iyon, ngunit hindi pa rin niya napigilan na mangailangan ng tulong. She felt a dull feeling in her heart and made her feel like vomiting. Ilang beses niyang hinagod ang kanyang dibdib. Nagbabakasakali na kapag ginawa iyon ay maaalis ang kakaiba niyang pakiramdam na naramdaman lang niya mismo sa mahalagang araw na iyon ng buhay niya. “Ayos ka lang, Ate Savanna?” si Gia iyon, one of her bridesmaids na kasama niya sa loob ng silid. Ang kapatid ni Bryson na hipag ni Piper na si Nabe ang maid of honor niya. Nahirapan pa siyang pakiusapan ang babae. Dapat ay si Piper ang magiging maid of honor niya ngunit ayaw namang pumayag ni Bryson dahil hindi siya ang magiging partner ng asawa. Nagtalo pa sa bagay na ito sina Savanna at Bryson, ayaw kasing magbigay
AAMININ NI ATTICUS na sobrang naninibago siya sa pagtawag ng dalawang bata sa kanya mula sa Tito Atticus. Ganun pa man ay wala siyang angal. Siya naman talaga ang ama ng dalawang bata kung kaya bakit niya ipagdadamot pa iyon sa kanila?“Oo, kinuha na ng Mommy niyo ang ibang gamit niyo nitong si Hay
EXCITED NA NAG-RESEARCH online si Atticus at kalaunan ay nakuha pang kumunsulta sa ilang female subordinates with childrens at the company. Lihim niya iyong ginawa sa dahilang nagtatanong umano ang kanyang kaibigan na hindi naman ginawang big deal ng mga kasamahan. Hindi rin naman niya magawang mag
SA LOOB NG isang malaking silid, hindi mapigilan ni Gabe na manlabo ang kanyang mga mata sa baha ng luha habang pinapanood sa malaking screen ng TV ang naka-flash na pangalan at larawan niya. Maging ang ginawang short na interview kay Atticus kung bakit siya nito hinahanap. Magiging ipokrita siya ku
IPINAGPATULOY LANG NI Atticus ang kanyang pagkain habang patuloy na pinanood ng mga magulang niya ang kuha niyang video ng mga bata habang kalaro si Otso sa lawn ng kanilang villa. Inihahanda niya ang sarili dahil paniguradong magtatanong na rin sila sa kanya.“Matagal na ba silang narito sa bansa,






