TAWANG-TAWA PA RIN na nilamukos na ni Farrah ang bibig niya upang maawat na sa mga sinasabi niya. Halatang hindi na natutuwa ang kaibigan niya sa ginagawa niyang panlalait sa edad ng ama ng kanyang anak na gusto lang din niyang ilabas. Usually ay hindi naman ganun ang ugali ni Briel, nasobrahan na lang talaga siya ng pagkapuno sa dating Governor.“Tama na nga, kawawa naman siya sa mga pinagsasabi mong paglalait. Wala siyang kamalay-malay. Saka, kahit naman matanda, gwapo naman iyon. Nagawa ka ngang paibigin. Mas pinipili mo pa nga iyon kumpara sa ex-fiance mo. Saka, ganun talaga kapag nagmamahal ka, Briel. Huwag mo siyang laitin dahil aminin mo man o hindi, nasarapan ka sa kanya!” Ngumisi na doon si Briel na muling tinungga ang baso ng kanyang alak na kaharap. Hindi niya naman tinatanggi. Masarap naman talaga si Giovanni, sa sobrang sarap nito napakasakit din naman ng kapalit na sakit na ibinalik sa kanya. Ang bagay na iyon nga ang mas nagpabaliw pa sa kanya. Hindi niya magawang kali
Last Updated : 2025-05-24 Read more