AKMANG PAPASOK NA sa loob ng sasakyan si Giovanni nang mahatak nito ang laylayan ng kanyang suot na damit. Wala siyang planong harapin ito. Ayaw na niyang makipag-usap pa sa babae. Sinubukan siyang pigilan ng secretary ngunit ang lakas nito na hindi inaasahan ang muntik ng magpatumba sa secretary ni Giovanni. Naglapitan na ang mga bodyguard ng dating Gobernador na walang hirap na hinila palayo ang babae at marahas nang binitawan. “Ano pa ang kailangan natin pag-usapan? Wala na. Hayaan mo na ang anak mo!” hindi nakapagtimpi ay harap na ni Giovanni sa kanya upang ipaintindi ang mga nangyayari, “Ayaw mo noon? Mapapabuti ang kalagayan niya sa parents ng kanyang ama. Isa pa, hindi mo naman talaga siya mahal. Sino ang matinong ina ang magbubuhos ng malamig na tubig sa buong katawan ng sarili niyang anak sa gitna ng napakalamig na klima? Di ba? Kaya nga siya nagkasakit noon at na-hospital ay nang dahil sinadya mo at may iba kang pina-plano na.” Namutla na si Rosafe. Akala niya ay sa court
“KAILAN ANG WEDDING ceremony na plano niyong dalawa ni Tito?” Natigilan sa pagkain si Briel nang marinig ang tanong ng kanyang hipag. “Next week. Aakyat na nga kami ng Baguio bukas upang asikasuhin ang ibang kailangan.” Pamper day nilang dalawa iyon ni Bethany kung kaya nasa mall silang dalawa. Nagtungo sila sa salon, at nakapag-shopping na rin ng ibang mga kailangan nila at nagustuhang bilhin. Wala silang mga batang kasama. Silang dalawa lang talaga kung kaya naman malaya sila. Nanatili sina Briel sa villa na kanilang ginawa ng tahanang mag-asawa. Si Giovanni naman ay patuloy ang trabaho ngunit siya na ang nagsasakripisyo sa biyahe gamit lang ang chopper.“Ah, talaga? Hindi ko pa iyon alam ah.” “Hindi sa’yo sinabi ni Kuya Gav?” “Hindi, pero hayaan mo na at baka nakalimutan lang ng aking asawa. Alam mo na, tumatanda na ang Kuya Gav mo at marami ‘ring iniisip.” tawa pa ni Bethany na naiiling lang.Naudlot ang kanilang usapan nang dumating na si Rina na hinihintay nila. Tianwagan i
MARAMI PA SANANG nais na sabihin ang dalawang matanda ngunit hindi na nila nagawa iyon ng dahil sa pagpupumilit ni Ceska na umalis na. Marami ‘ring nais na sabihin sila kay Giovanni gaya na lang na nais nilang iwan ang bata kay Giovanni at ito na lang ang magpalaki. Sa tingin nila ay mas mapapabuti ang bata at maaalagaan din siyang mabuti. Isa pa mayroon itong kalaro. “Pasensya na, Mr. Bianchi…” Inihatid sila ni Giovanni sa labas at pagbalik niya ay nakita niya si Brian na prenting nakahiga na sa sofa. May hawak na fairytale book. Akala mo’y hindi nangagat na natutunan niya pa kay Gabe. Nilagpasan niya ang anak. Hindi niya ito sinita at pinagalitan dahil away-bata lang naman din ito. Pumanhik siya sa ikalawang palapag kung saan ay natagpuan niya si Briel na nakahiga sa kama. Hawak ang cellphone at abalang nagche-check ng mga unread emails niya. Nilingon niya ang asawa nang bumungad ito sa pintuan. Nangunot na doon ang kanyang noo. Tapos na sila agad?“Umalis na sila.” lapit ng asawa
NAGING MAPAYAPA ANG mga sumunod na araw sa kanilang pamilya na mas pinili lang na manatili sa villa. Parang nasa alapaap ang pakiramdam ng mag-asawa. Iyong tipong pakiramdam nila ay walang anumang problema silang hindi makakayang harapin. Kasabay noon ay isinulong ni Gavin ang kaso at dahil magaling siya naging maayos ang takbo noon at hindi nagkaroon ng aberya. Unang trial pa lang ay nabigay na ang custody ng bata sa mga magulang ni June na naging dahilan upang maging sobrang maging masaya ng mag-asawa. Sa sobrang tuwa nga ng mga ito ay nagbiyahe pa sila patungong Manila upang pasalamatan lang si Giovanni sa personal. Hindi na nagawa pa ng mga itong magpaalam kay Giovanni ng kanilang gagawin, nasa guard na sila mismo ng villa nang malaman nina Briel at Giovanni ang ginawa nilang pagpunta. Nang mga sandaling iyon ay kasama ni Giovanni ang kanyang mag-ina sa sala at nagsi-siesta. Sabay silang napatingin sa may pintuan nang dumating ang maid upang ibalita ang tungkol dito.“May bisita p
NAHIMASMASAN NG TANONG na iyon si Giovanni. Marahan na namang hinaplos ang ulo ni Brian matapos na ibaba na niya ang suot nitong damit na tumatakip sa kanyang sugat sa tiyan dala ng operasyon. Hindi inalis ni Brian ang tingin sa mukha ng ama. Hinihintay niyang sagutin nito ang tanong niya kung sino iyon. Hindi ang babae ang gusto niyang makilala kundi ang batang may pangalang Ceska na mukhang inaagaw sa kanya ang daddy niya. Ilang beses niyang narinig iyon na pinagtatalunan ng kanyang Mommy at Daddy.“Mommy ng batang may pangalan na Ceska. Huwag kang mag-alala, hindi mo siya kapatid dahil hindi naman siya anak ng Daddy. Anak siya ng ka-trabaho ko at ang buong pangalan niya ay Franceska, Brian.” Walang interes ang mga matang yuamakap si Brian sa kanyang ama. Kapag nakita niya ang batang iyon, aawayin niya. Hindi siya papayag na pinapaiyak nito nang tahimik at sinasaktan ang kanyang Mommy.“May inaayos lang na problema nila ang Daddy kaya nababanggit ko siya.” Nang makita iyon ay wala
WALANG SABI-SABING PUMATAK na ang malalaking butil ng ulan. Napahawak si Briel sa kanyang ulo na buo ang desisyon na panindigan ang kanyang gusto, ngunit nang mas lumakas pa iyon ay nawalan na siya ng choice kung hindi ang patakbong pumasok sa loob ng sasakyan kung saan lulan ang kanyang anak na si Brian. Mabilis namang kumilos ng tauhan ni Giovanni na nakuha na ang mga maleta ng mag-ina at naipasok na rin iyon sa loob ng kanilang sasakyan. Bagama't nabasa man ng ulan ay maligayang pumasok na sa loob ng sasakyan si Giovanni. Hindi alintana ang ginaw na humalik sa kanyang hubad na balat.“Let’s go.” maligayang turan ng dating Gobernador matapos na maikabit ang kanyang seatbelt.Nagmaniobra na ang kanyang secretary na agad sinunod ang naging tagubilin ni Giovanni. Makailang beses na ni nilingon ng dating Gobernador ang kanyang mag-ina ngunit agad ng naiiwas ni Briel ang mga mata. Sa isipan ng lalaki ay iyon ang panibago nilang simula ni Briel. Hindi na niya iyon palalampasin pa ngayon.