INALIS MUNA NI Giovanni ang kanyang katawan sa ibabaw ng asawa at gumulong sa kanyang tabi upang umayos ng higa. Lumapit naman si Briel sa katawan niya upang yumakap at pakinggan kung ano ang isasagot nito sa tanong niya.“Hindi sanay si Mama sa klima dito sa baba. Ilang beses ko na siyang sinabihan noong naroon ako. Gusto niya ang buhay sa Baguio. Mahal ka niya at si Brian, ayain mo kaya siya? Subukan mo.”Nanatiling tahimik si Briel.“Sige, kapag tumawag ako sasabihin ko sa kanya kung pwede muna siya dito.” “Pwede rin na doon na tayo tumira after ng wedding ceremony, iyon ay kung okay lang naman sa’yo. Kung ayaw mo naman at dito mo pa rin gustong tumira, hindi naman din kita pipilitin.” “Oo naman, gusto kong manirahan sa Baguio. Pangarap ko na iyon dati pa.” Isa pang sinasaalang-alang ni Briel ay ang gingawang travel time ng asawa araw-araw. Hindi naman ito mahirap, pero madalas na nag-aalala siya dahil panghimpapawid na sasakyan ang gamit. Hindi sa pinapanalangin niya na may man
Terakhir Diperbarui : 2025-05-28 Baca selengkapnya