ANG BAGYONG IYON na naganap at nanalanta sa araw mismo ng kasal nina Giovanni at Briel ay nagwakas sa malungkot na paraan. Naabutan nila si Rosafe na nasa rooftop ng hotel kasama si Ceska na may pagtatangka na tatalon at magkasama silang mamamatay ng anak kung hindi sila kukunin ni Giovanni at bibigyan ng tahanan na masisilungan at susuportahan habang nabubuhay bilang umano ay compensation ng dating Governor sa pagkamatay ng ama ni Ceska. Mariin ang naging iling ni Giovanni. Hindi niya ibibigay ang hiling ng babae. Ano siya sinu-swerte? Pumunta lang naman siya doon nang dahil kay Ceska. Labis ang awa niya sa bata na sa kabila ng batang edad ay nararanasan na ang karahasan.“Nahihibang ka na ba? May pamilya na ako!” sigaw ni Giovanni na napipikon na sa babae, “Bakit ko gagawin iyon?” “So ayaw mo? Kung ayaw mo, mabuti pang magpakamatay na lang kami—” “Rosafe, ikaw na lang! Maawa ka sa anak mo. Huwag mo na siyang idamay!” sigaw ng ina ni June na umiiyak na habang patuloy na nagmamakaaw
Last Updated : 2025-05-31 Read more