Share

Chapter 73.3

last update Last Updated: 2025-05-23 16:30:55

SA LABIS NA gulantang sa ginawang pagsigaw ni Briel ay malalaki ang hakbang na lumapit si Giovanni sa babae na binuksan na ang pintuan ng silid. Tahimik silang magkasunod na lumabas ng pintuan. Dinala siya ni Briel sa guest room na pagkapasok ay basta na lang din doong iniwanan. May naka-ready na doong bagong comforter at mga unan. Malalim na bumuntong hininga muli si Giovanni nang maiwan ng mag-isa sa loob ng naturang guest room. May kabog pa rin ang puso niya ng kaba ng pagtataas ni Briel ng boses.

“Unawain mo na lang siya Giovanni, galit siya dahil sariwa pa ang lahat ng mga nangyari. Ginawa mo iyon kung kaya naman ay panindigan mo. Tiyagaan mo lang, tandaan mo na ikaw ang mali at nagkulang dito.”

Pagbalik ni Briel sa loob ng silid ay umiyak siya. Umiyak siya hindi dahil sa kanyang galit kundi dahil sa inis sa kanyang sarili dahil kahit na anong galit ang bumabalot sa katawan niya, alam niya sa kanyang sarili na mahal niya pa rin ang ama ng kanyang anak. Ni hindi nga yata iyon nab
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
Cyn Thia
cge lang Brielle balik work kna ulit bayaan mo Muna c gob.pg cchan nia UN gnwa nia.wg mo Muna cya patawarin kc nkaka sawa n din s gngwa ni gob .kmi ngang nag bbsa nag sswa na s gngwa syo ni gob ikw pa Kya Brielle ......... pahirapan mo din c gob bigyan mo ng altumatum .........
goodnovel comment avatar
Charie Garcia
ehh...kaw Gavin kampi ka sa Giovanni nayan,palibhasa Kasi ganyan Karin noon,inuuna c Nancy hmmp!!!... Brielle wag na wag Kang bibigay Muna sa Giovanni Nayan..
goodnovel comment avatar
Wellma Ancuna
Sana katulad kahapon ung update maaga
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.3

    SA LABIS NA gulantang sa ginawang pagsigaw ni Briel ay malalaki ang hakbang na lumapit si Giovanni sa babae na binuksan na ang pintuan ng silid. Tahimik silang magkasunod na lumabas ng pintuan. Dinala siya ni Briel sa guest room na pagkapasok ay basta na lang din doong iniwanan. May naka-ready na doong bagong comforter at mga unan. Malalim na bumuntong hininga muli si Giovanni nang maiwan ng mag-isa sa loob ng naturang guest room. May kabog pa rin ang puso niya ng kaba ng pagtataas ni Briel ng boses.“Unawain mo na lang siya Giovanni, galit siya dahil sariwa pa ang lahat ng mga nangyari. Ginawa mo iyon kung kaya naman ay panindigan mo. Tiyagaan mo lang, tandaan mo na ikaw ang mali at nagkulang dito.” Pagbalik ni Briel sa loob ng silid ay umiyak siya. Umiyak siya hindi dahil sa kanyang galit kundi dahil sa inis sa kanyang sarili dahil kahit na anong galit ang bumabalot sa katawan niya, alam niya sa kanyang sarili na mahal niya pa rin ang ama ng kanyang anak. Ni hindi nga yata iyon nab

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.2

    MABILIS NA PUMASOK sa loob ng silid si Giovanni kahit pa gusto niyang sabihin kay Briel na nabawasan siya ng timbang. Noon lang kasi niya napagmasdan nang mabuti ang babae mula ng magkaroon sila ng problema. Hindi na lang niya iyon isinatinig dahil paniguradong babarahin na naman siya nito ng sagot.“Nasaan si Brian?” Ang buong akala ni Giovanni ay naroon sa silid na iyon ang anak nila kaya ito ang una niyang hinanap. “Kinuha siya ni Kuya Gav, dinala doon sa silid ni Gabe.” sagot ni Briel na maingat sinara ang pinto. Galit man ay hinagod pa rin niya ng tingin si Giovanni habang hindi ito nakatingin. Dry na dry ang labi nito at parang hinang-hina. Namumutla rin ang mukha na parang naubos na ang kanyang lakas na taglay. Parang lantang gulay na nabilad sa araw matapos na bunutin sa kanyang mga ugat. Wala itong energy.“Dito ka lang, may kukunin lang ako sa ibaba.” Walang imik na kumuha si Briel ng extra na tsinelas. Bumaba rin siya at kumuha ng cup noodles at tinapay. Dinagdagan niya

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.1

    NAPABALIKWAS NG BANGON si Briel nang bumukas ang pintuan at iluwa noon ang bulto ng kanyang kapatid na nakapantulog na. Nagulat siya sa biglaang pagpunta nito doon nang hindi man lang kumakatok. Naaninag niya ang pagiging seryoso nito sa kanyang mukha. Sandaling naghinang ang kanilang mga mata. Bumalangkas ang katanungan ni Briel na hindi naman pinansin ng kanyang kapatid.“Bakit ka narito, Kuya Gav?” Nilingon niya si Brian na mahimbing pa rin ang tulog. Halatang nagbabawi ng lakas na nawala ang anak niya. Sinundan ng tingin ni Gavin ang batang nasa kama. Wala pa ‘ring imik ito kaya nababahala na si Briel. Nararamdaman niya na mayroong problema ang kapatid at hindi na niya mahintay na malaman iyon.“Nasa labas si Tito, nais kang makausap. Mag-usap kayo. Kailangan niyong mag-usap.” Nag-hang ng ilang segundo ang isipan ni Briel. Si Giovanni? Ano namang pakialam niya sa kanya kung nasa labas? Saka anong oras na iyon, bakit kailangan pang sundan silang mag-ina dito? Hindi man lang ba ni

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.4

    INIHATID NG MAG-ASAWA ang mag-ina sa loob ng silid na kanilang ookupahin. Kasunod nila ang mga maid na may dala ng luggage nina Briel. Puno ng pasasalamat na ang mga mata ni Briel sa kanila doon. “Kung may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi. Alam mo naman kung saan kami hahanapin. Willing din akong makinig sa kung anong pinagdadaanan mo, alam mo iyan Briel hindi ba?” Napanguso na si Briel sa tinurang iyon ng kanyang hipag at tumango na sa kanya ng paulit-ulit. “Sige na, mag-rest muna kayo. Gabe, tara na sa labas.” Kumaway pa si Gabe sa mag-ina bago tuluyang nagpahila sa kanyang amang si Gavin. Napabuga na nang malalim na hininga si Briel nang sumara ang pintuan. Naramdaman niya sa likod ang mainit na yakap ni Brian kung kaya naman nilingon na niya ang anak na agad na kumarga na sa kanyang kandungan noon. “Sorry anak, siguro gulong-gulo ka na kung bakit palipat-lipat tayo. Wala kang matawag na sarili mong tahanan kagaya ng pinsan mong si Gabe.” masuyong haplos niya sa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.3

    NANG SUMAPIT ANG huling araw ng pananatili ni Brian sa hospital ay medyo tinanghali ng gising si Giovanni. Ilang oras lang din kasi ang tulog niya noon kung kaya naman humaba ang kanyang pagkaidlip. Pagbaba niya ng elevator ay saktong nakasalubong niya si Rosafe na hagas na hagas ang mukha noon. “Mabuti at pumunta ka—” Hinawi niya ang katawan ng babae na humarang sa kanya at tuloy-tuloy pa rin siyang naglakad. “Mr. Bianchi!” habol ni Rosafe na hindi natinag sa ginawa niyang pag-iwas, “Hinahanap ka ni Ceska…” Hindi pa rin siya nilingon ni Giovanni na tuloy-tuloy lang sa paglalakad. Hindi alintana ang ginagawang pagsabay sa kanya ni Rosafe. Gusto na niyang makita ang kanyang mag-ina. Wala siyang panahon sa iba. “Kahit sana silipin mo man lang siya. She is looking forward sa ipinangako mong ipapasyal siya sa strawberry farm at ang pagkain niyo ng strawberry ice cream.” patuloy ni Rosafe na ginawa ang makakaya niya upang kunin ang atensyon ng dating Gobernador na halatang wala na tal

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.3

    MARIIN NA KINAGAT na ni Briel ang bibig upang mas pigilin pa ang mapahikbi. Napipinto na naman ang kanyang pag-iyak ngunit kailangan niyang tibayan ang loob. Oras na muli siyang umiyak at niyakap ni Giovanni, siya na naman ang talo. Siya na naman ang lugi sa kanila nito.“Paulit-ulit akong naging positibo ang pananaw kahit na ang daming negatibong nangyayari. Masisisi mo ba ako kung magsawa ako at maging ganito? Hindi naman di ba? Hayaan mo muna akong magpahinga. Huminga dahil sobrang nakakasakal ka na. Malay mo, tanga pa rin ako na muling magpauto sa iyo di ba? Ito na ang pakatandaan mo. Hindi na iyon mauulit, Giovanni…” “Briel, makinig ka sa akin. Kukunin ko sa kanya ang bata at ibibigay ko sa pamilya ni June—” “Take back the child? Anong karapatan mong gawin iyon sa kanila? Bakit ba ang hilig mong makialam? Pabayaan mo sila! Siya ang ina kaya alam niya ang tama at mali. Hindi naman ikaw ang ama para gawin iyon. Bida-bida ka na naman. Alam mo Giovanni? Iyang mga ganyang desisyon m

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 72.1

    SI GIOVANNI NA ang kusang nagbaba ng tawag. Ipinarinig niyang hindi siya natutuwa sa pang-iistorbo nito na halatang walang pakialam kung totoo ba ang sinabi ng secretary niya na may sakit din ang anak niyang si Brian. Oo na, bastos na siya pero rinding-rindi na siya sa ginagawa nitong pananakal sa kanya na daig pa niya na siya ang ama ng bata. Iyon ang naging kapalit ng kabaitan niya. Kung simula pa lang ay hindi siya nagpakita ng interes, nanahimik sana si Rosafe. Hindi siya nito kinukulit na para bang kinakaya lang siya nitong utus-utusan ng gustong mangyari gamit si Ceska. Muli pa siyang napahilamos ng mukha nang maalalaa ang mukha ng kanyang anak noong puntahan niya. Silang mag-ina dapat ni Briel ang kanyang inaatupag at hindi ang kung sinong mag-ina na abusado. Tama ang sinabi ni Briel sa kanya na makasarili siya. Maramot siya pagdating sa kanyang mag-ina. Pinahinto niya ang sasakyan sa isang toy store na kanilang nadaanan upang bilhan ng laruan ang kanyang anak na pasalubong.

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.4

    LANTARANG PINANDILATAN NA ito ng mga mata ni Briel na naging dahilan upang umatras si Giovanni at bigyan ng distansya ang kanilang halos maubos ng pagitan. Ilang sandali pa ay naging mariin at nanlilisik na ang pagkakatingin ng mga mata ni Briel sa kanya. Hindi naman ito iniwasan ni Giovanni na halatang desidido na labanan iyon kung iyon lang ang paraan upang umayos ang pakiramdam ng babae na kanyang nasaktan. Naputol ang kanilang titigan nang biglang mag-ring ang cellphone ni Giovanni na tungkol iyon sa kanilang negosyo. Kinakailangan niyang umalis upang magpunta sa kanyang office. Hindi naman iyon pinansin ni Briel na pinapakitang wala pa rin siyang pakialam kung anuman ang gawin na nito. Nanatili siyang nakatayo, nakapameywang na hindi inaalis ang paningin kay Giovanni na kulang na lang ay tadyakan na niya nang mawala na sa kanyang harapan. Mabuti na lang at napigil niya.“Pwede kang matulog sa sofa dahil alam ko namang napuyat ka. Ang mga nurse na ang bahala kay Brian, ibibilin ko

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 71.3

    NAGDADABOG NA BINUHAY na ni Briel ang gripo upang banlawan ang towel na kanyang hawak. Sumunod si Giovanni sa kanya nang lumabas na ng banyo matapos iyong pigaan. Namumula na ang mga mata ng lalaki dahil pakiramdam niya ay ibang babae ang kausap niya ngayon. Hindi na ito ang babaeng sobrang mahal siya at nauunawaan siya noon. At sobrang kinakalungkot niya na iyon.“Gabriella naman, please pakinggan mo ako—” “Maraming beses ko na iyang ginawa. Noon!” singhal ni Briel sa sobrang sama ng loob, “Bulag ka ba para hindi iyon makita? Nagawa ko pa ngang isakripisyo ang trabaho ko hindi ba? Hindi ko dapat iyon ginawa eh! Hindi dapat ako ang sobrang nag-e-effort sa'yo. Sayang! Ang unfair mo. Ako ang babae kaya dapat ako ang sinusuyo gaya ng ginawa ng kapatid ko noon sa pamangkin mo. Wala eh, nagmana yata ako kay Kuya Gav at feeling ko ay ako ang lalaki sa atin.” Sumasabog na ang puso ni Briel ngunit kailangan niyang hinaan ang boses upang huwag magising ang anak. Ayaw niyang marinig nito ang

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status