Malinis at maayos ang opisina. Sa isang mesa ako nakaupo, suot ang puting longsleeve na polo at abala sa pagbuklat ng ilang papelas habang pinipirmahan ang mga ito. Bumukas ang pinto ng aking opisina. Nakita ko si Gabriel, ang aking sekretarya, na may hawak na puting folder, puno ng dokumento. “Gabriel, kumusta na ang proseso ng land titling sa Sitio San Andres?” tanong ko agad sa kaniya dahil noong nakaraan pa ako nanghihingi ng update.Seryoso niya akong sinagot, “Sir, nasa final verification na po sa Registry of Deeds. Sabi ng contact natin, isang linggo na lang lalabas na ang mga titulo. Lahat ng 84 na pamilya, kasama sa listahan. Pati na rin po ang iniingatan niyong mga plantation para sa mga taong-bayan.”“That’s a good news,” napatango-tango ako. “Finally, hindi na matatakot ang mga taong palayasin sila kahit nanay ko pa ang may hawak ng papel.”“Ibang klase kayo, sir. Kayo na nga ang naglabang makuha nila ang karapatan sa lupa, ngayon kayo pa ang nagbigay ng bagong pag-asa.
Last Updated : 2025-06-18 Read more