Nang tumunog ang elevator at bumukas ang pinto sa itaas, isang malawak at eleganteng restaurant ang bumungad sa kanya. Ang ilaw ay malambot at dilaw, nagbibigay ng init at aliwalas. May mga mesa na puno ng mga tao, ang ilan ay masayang nag-uusap, ang iba nama’y seryosong nakikipag-date.Agad niyang nakita sa gilid, malapit sa malaking bintana, ang isang lalaki. He was sitting casually, busy scrolling through his phone, as if the world revolved around him.Parang wala itong pakialam sa oras na nakalipas, o baka naman sanay itong naghihintay na parang siya ang dapat lapitan ng iba.Napailing si Dia nang makita ito.Gwapo nga, oo—matangkad, sharp ang features, at may dating. Naka dress shirt ito na malinis at mukhang mamahalin, ang buhok ay maayos na nakasuklay, at ang ngiti, kahit hindi pa nakabaling sa kanya, ay halatang mayabang na.Pero iba pa rin talaga ang dating ni Paul para sa kanya. Paul had this aura na kahit wala itong ginagawa, ramdam mo ang presensya, yung tipong hindi niya
Last Updated : 2025-10-04 Read more