Ang mga mata niya ay tila nagdilim, puno ng kaba, selos, at pagkadisgusto sa narinig. Halos maramdaman ni Dia ang bigat ng paghinga nito, parang bawat hinga ay may kasamang puot, galit, at takot.His jaw tightened, his fists clenched slightly, at ramdam ni Dia ang tensyon na parang mabibiyak ang pagitan nila.Nang mapansin ni Dia ang paglayo nito, agad niyang iniangat ang kamay at inilagay iyon sa batok ni Paul para hindi ito makalayo, para iparamdam na hindi siya titigil hangga’t hindi ito nakikinig muna sa kanya.Hindi siya nagdalawang-isip, kahit nanginginig ang kanyang mga daliri, mas pinili niyang hawakan siya at pigilan ang kanyang pag-atras.Ang mga daliri niya ay halos bumaon sa balat nito, desperado para pigilan ang distansya sa kanilang dalawa.Ang init ng balat ni Paul ay umaalingawngaw sa kanya, pinaparamdam na buhay ang koneksyon nila kahit pilit itong iniiwas ng binata.Dia’s eyes pleaded with his, silently begging him to understand, to stay, to fight instead of running.
Last Updated : 2025-10-04 Read more