“Mag-iingat kayo.” Nakangiting ani ng mama ni Azrael kina Cheska nang ihatid na nila ito sa labas. Naramdaman ni Cheska ang init ng yakap ni Daviah—isang yakap na puno ng pag-aaruga, parang yakap ng isang tunay na ina.“Tatawag ako kapag naihatid ko na siya sa hospital.” Ani naman ni Azrael, pero hindi man lang pinansin iyon ni Cheska at niyakap si Daviah ng mahigpit, waring ayaw pa nitong kumalas.“Kapag sinaktan ka nitong anak kong ito, magsumbong ka sa akin dahil ako ang babatok sa kanya. And you are always welcome to come here, okay? Just tell Azrael if you want to visit here, open ang bahay na ito kahit wala kami.” Malambing pero may halong pananakot na biro ni Daviah, habang hinahaplos pa ang likod ni Cheska.“Ma, stop it. Bakit ko naman siya sasakt—” Sabat ni Azrael, pero agad na pinutol ni Cheska iyon.“Hindi ko na po kailangan magsumbong sa inyo kung sakali, kasi kung saktan man niya ako, ako na po ang babatok na may kasamang suntok sa anak niyo.” Cheska jokely said, ngunit na
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-30 อ่านเพิ่มเติม