Share

Chapter 76 - Away

last update Last Updated: 2025-05-03 07:58:59

Chapter 76

Nalaglag ang balikat ni Cheska nang walang madatnan sa bahay nila. Tahimik ang buong paligid, masyadong tahimik. Parang sinadya ng bahay na ipamukha sa kanya ang kawalan. Wala pa rin ang kanyang ina, at mukhang hindi pa ito umuuwi simula noong umalis sila. Ang mga kurtina'y nanatiling nakabukas gaya ng iniwan niya, at ang maliit na kalendaryong nakasabit sa pader ay hindi pa rin naitama ang petsa.

“Ano pa bang inaakala ko?” sarkastikong ani ni Cheska, pilit pinapatawa ang sarili sa gitna ng sakit. Umiling siya nang mapait, at saka marahang lumapit sa luma at halos nawawasak nang aparador.

Binuksan niya ito at agad siyang sinalubong ng amoy ng lumang kahoy, pinaghalong alikabok at lumipas na alaala. Isa-isa niyang pinulot ang ilang malilinis pang damit—ilang pirasong pambahay at isang jacket ni Nero na baka sakaling gusto nitong suotin. Hindi na siya nagtagal. Ayaw na niyang manatili sa loob ng bahay na para bang iniwan na rin siya.

Paglabas niya, dama niya agad ang malamig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Stephen Andan
haaiist nakakabittin naman ang bakbakan nila
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 145 - Pahinga

    Chapter 145“Mama, kung tungkol nanaman sa papa ko, ayokong pag-usapan.”Hindi pa man lang din nakakapagsalita si Cheska ay agad na iyon ang nasabi ni Thali.Kumakain sila ng almusal, at ilang beses nang tumingin si Cheska kay Thali kaya napansin naman iyon ng bata. Tahimik si Cheska, ngunit halata sa bawat tingin niya ang lalim ng iniisip—at dama iyon ni Thali. “Pero, Thali, wala naman kasing kasalanan ang papa mo kung wala siya dito. Hindi tayo iniwan---"“Tapos na po ako kumain,” agad na sabi ni Thali na ikinasinghap ni Cheska dahil ayaw talaga nitong makinig sa kung anong sasabihin niya. Gusto niya sana na maging maayos muna ang tingin ni Thali sa ama niya bago sabihin kay Azrael ang tungkol kay Thali.Hindi niya gusto at iniiwasan niya ang posibilidad na may masabi si Thali sa ama niya dahil galit ito dito.“Thali, I’m still talking. Anong sabi ni Mama kapag may kumakausap sa’yo?”Mariing ani ni Cheska kaya hindi agad nakababa sa upuan si Thali. Natigilan si Thali at saka yumuko

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 144 - Tawag

    Chapter 144Pagdating ni Cheska sa bahay nila ay agad siyang dumeretso sa kwarto ng anak, bumuntong hininga siya nang makitang tulog na siya. Bumuntong-hininga siya nang makitang tulog na si Thali—mahimbing, parang walang iniintinding problema. Napansin niyang may mahigpit na yakap si Thali sa paborito nitong stuffed toy. Tinignan niya ang kung anong oras na at als 9 na ng gabi. Kahit na subrang gusto ng kausapin ni Cheska ang anak tungkol kay Azrael ay hindi niya na lang muna tinuloy dahil ayaw naman niyang istorbuhin nag tulog nito.Pagdating sa sariling kwarto, para pa ring nakalutang si Cheska. Parang ang lahat ng nangyari kanina ay isang panaginip lang—isang hindi kapani-paniwalang tagpo sa gitna ng matagal nang paghihintay at sakit. Sa mga sandaling iyon, talagang unti-unti nang nawawalan ng pag-asa si Cheska na babalik pa ang ala-ala ni Azrael. Sobrang tagal na rin kasi. Ilang beses na siyang umasa, ilang beses na ring nasaktan.Pero…Kinagat niya ang labi nang maalala ang ha

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 143 - Lumagay sa Tahimik

    Chapter 143“I know I have no right to say this, but can you just stay here—Sabi ko nga, hindi pwede.” Kinagat ni Azrael ang labi, pigil ang sarili, at siya na ang nagbukas ng pinto ng kotse ni Cheska para makasakay ito kahit na kitang-kita kung gaano kalabag sa kanya ang buksan iyon at hayaang umalis si Cheska pagkatapos ng lahat.God knows how badly Cheska wanted to stay, kahit pa alam niyang sobrang awkward ng paligid pagkatapos ng lahat ng nangyari. But she had to go home—for Thali. Biglaan ang lahat ngayon, at hindi siya nakapagpaalam sa anak.Ang anak niya. Pagdating na pagdating niya, hahanap siya ng pagkakataon para makausap ang anak. Hindi na niya kailangang mag-aksaya pa ng oras. Gusto na niyang ipakilala ang mag-ama sa isa’t isa. Mahaba na ang limang taon, at masyado nang matagal na nasayang iyon.“Mauna ka, susundan kita,” utos ni Cheska, pero hindi pa rin siya agad pumasok sa loob ng kotse. Nilingon niya ito sandali, as if giving him one last warning not to test her again

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 142 - Legal

    Chapter 142She wanted to think straight, but his kisses made her not think straight. Hindi siya makapag-isip ng tama kahit na sa puntong ito ay ang mag-isip ng tama ang dapat ginagawa niya. Because of frustration and all, she kissed him back.Tinagilid niya ang mukha at walang pakundangan na hinalikan ito ng malalim. Nagsimulang pumatak ang kanyang mga luha—mabagal sa una, pero tuluy-tuloy. Ginusto niya ito. At kinamuhian niya ang sarili dahil sa pagnanais na iyon. Kinamuhian niya kung paanong ang puso niya ay tila hindi kailanman tumigil sa pagmamahal dito, kung paanong sa isang sulyap lang nito ay muli siyang bumigay.But just when she thought she could let go and surrender to the moment—“Agent Carrido, nakikinig ka ba? I made my own investigation, hindi naman nakawala si mama mo sa kulungan.”Parang sinabuyan ng malamig na tubig si Cheska at natauhan sa isang iglap. Nangalma ang puso niya. Nanlamig ang katawan. Nanlaki ang mga mata niya habang napigil ang paghinga sa kanyang lala

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 141 - Bangungot ng Nakaraan

    “Pero bakit, Mr. Buenavista? Wala pa kaming lead kung sino ang nagpadala ng death threat kaya parang hindi pa ata pwedeng tapusin ito.” Si Haze na kunot ang noo at hindi makapaniwala sa narinig."Nahihirapan din kami na mahanap ang gumawa non dahil malinis naman ang lahat ng paligid ni Ms. Hortizuela. Lahat ng nakapaligid ay talaga namang kiuhanan na namin ng sarili naming impormasyon, but all of them are clear, pero hindi ibig sabihin ay kailangan ng tapusin ang mission." Si Dylan."Hayaan niyo na." Mabilis na ani ni Cheska. "Kung gusto na niyang tapusin. Wala naman na tayong magagawa doon." Mariing ani ni Cheska at parang bumara pa sa lalamunan niya habang sinasabi iyon.“I’m not already her fiancé so I think it’s her responsibility to hire someone to protect herself. Ako ang nakipagkasundo sa inyo para protektahan siya, but now, I have no right to be responsible for her protection.” Ani nito at saka tinignan si Cheska.Kumabog ang dibdib ni Cheska sa narinig pero agad din namang um

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 140 - End?

    Chapter 140 Gulong-gulo si Cheska pagkatapos ng usapang iyon. Gusto niyang mag-background check—madali lang naman para sa kanya ang kumuha ng impormasyon, kahit pa isa pang napakataas na tao iyon—pero parang natatakot siyang malaman kung sino ba talaga ang taong iyon. “Oh? Ex mo, nandito,” biglang sabi ni Garry sa earpiece niya.Halos hindi tumama ang bala ni Cheska sa target nang marinig niya iyon. Muntik pa siyang mapamura sa pagkagulat, at hindi niya napigilan ang bahagyang pagkislot ng daliri sa gatilyo.Napansin pa niya ang pagsulyap ng iba pang mga tao sa training room, gulat ang mga ito nang mapansin na agmintis ng tira si Cheska gayong kahit kailan ay hindi pa ito nagmimintis. Iyon Isang buwan na ang lumipas mula nang huli niya itong makita, kaya naman ikinagulat niya ang balitang iyon. Narito ito sa training room dahil nag-out of town si Bianca—ibig sabihin ay wala silang trabaho ngayong araw. Ayon sa kontratang pinirmahan nila, saklaw lamang ng kanilang proteksyon ang isa

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 139 - Buenavista

    “Kami na ang bahala dito. Mukha namang walang nagtatangka talaga sa buhay ng Bianca na ito.” Ani Garry mula sa earpiece.It’s been two weeks since the mission began. Wala talagang kahinahinala at sa loob ng ng araw ng misyon niya ay ilang beses siyang tinarayan ni Bianca at paranggalit ito.Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ni Cheska si Azrael, kahit araw-araw niyang binabantayan ang fiancée nito. She even tried contacting Aiden, pero hindi ito sumasagot, kaya lalo siyang kinakabahan. Kahit si Sean, tinawagan na rin niya, pero ayon sa huli niyang nakausap, wala raw ito sa Pilipinas at tatawag daw ito agad kapag may balita na.She sighed and looked at her daughter, who was currently dressed in a fairy costume. May dadaluhang children’s party si Thali. Darating kasi ang biggest stockholder ng paaralan kung saan ito nag-aaral, kaya may pagtatanghal ang buong section ng anak niya.“Sabihan mo ako kung may problema. Kailangan ko lang talagang samahan si Thali ngayon, may importanteng

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 138 - If I was here

    Chapter 138 (Expanded)“Kuya!” Hinihingal na tawag ni Aiden nang malapitan ang kapatid niya. He received that text from Cheska kaya naman agad siyang pinuntahan ang kapatid.Pero natigilan siya nang makitang tulala ang kapatid niya. Hindi gumagalaw. Para bang nawawala sa ulirat si Azrael, habang nakatayo lang sa gilid ng gusali na tila bang may mabigat na bumabalot sa kanyang dibdib.“Kuya—”“B-Bakit ba siya palaging umiiyak? W-Why does it feel like I was the one who is making her cry like that?”Natigilan si Aiden at napatitig sa kapatid. Kitang-kita niya ang mariing pagpikit ng mata ni Azrael at saka huminga ng malalim. Hindi lang pagkalito ang nakita niya rito, kundi pati ang pagkapunit ng damdamin—isang uri ng sakit na hindi mo alam kung saan nanggaling.Aiden wanted to talk, pero walang lumalabas sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari, pero base sa sinabi nito, umiyak si Cheska. Huminga siya ng malalim, sinusubukang magpakatatag, pero napasinghab siya sa sunod na sinabi ni

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 137 - Do you know me?

    “M-May fiancé ka, Mr. Buenavista. Babae rin ako at mali ito.” Mariing ani ni Cheska at saka agad nang lumayo. Pilit niyang kinakalma ang sarili kahit sa loob ay parang gusto na niyang sumigaw, umiyak, at bumalik sa mga halik nito.“Agent—”“Talagang papanindigan mo ang pagiging gago at gagawin mo pa akong kabit?!” Galit na ang umosbong kay Cheska sa kabila ng sakit. Tinignan niya ng seryoso si Azrael at kitang kita naman niya ang pagpungay ng mata nito.Napasinghab si Cheska dahil pati ang mga matang iyon, namimiss na niya ng subra.“Hindi naman sa ganoon—” Muli hindi niya pinatapos ang sasabihin nito.“At kung ako ang nasa pwesto ng fiancé mo, kahit kailan, hindi ko iyon magugustuhan.” Deretsong ani ni Cheska dito.Tuluyang natahimik si Azrael. Parang may binasag na kung ano sa loob nito. Tahimik na nakatingin lang sa kanya, para bang hindi alam kung ano ang susunod na gagawin. Nakabukas ang bibig pero walang lumalabas na salita, tila ba dinudurog siya ng isang katotohanang hindi niy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status