Chapter 143“I know I have no right to say this, but can you just stay here—Sabi ko nga, hindi pwede.” Kinagat ni Azrael ang labi, pigil ang sarili, at siya na ang nagbukas ng pinto ng kotse ni Cheska para makasakay ito kahit na kitang-kita kung gaano kalabag sa kanya ang buksan iyon at hayaang umalis si Cheska pagkatapos ng lahat.God knows how badly Cheska wanted to stay, kahit pa alam niyang sobrang awkward ng paligid pagkatapos ng lahat ng nangyari. But she had to go home—for Thali. Biglaan ang lahat ngayon, at hindi siya nakapagpaalam sa anak.Ang anak niya. Pagdating na pagdating niya, hahanap siya ng pagkakataon para makausap ang anak. Hindi na niya kailangang mag-aksaya pa ng oras. Gusto na niyang ipakilala ang mag-ama sa isa’t isa. Mahaba na ang limang taon, at masyado nang matagal na nasayang iyon.“Mauna ka, susundan kita,” utos ni Cheska, pero hindi pa rin siya agad pumasok sa loob ng kotse. Nilingon niya ito sandali, as if giving him one last warning not to test her again.
Huling Na-update : 2025-05-19 Magbasa pa