Chapter 147Halos mapatalon si Cheska nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iluwa roon si Azrael—gulo ang buhok, magulo rin ang ekspresyon, at parang may hinahanap na hindi niya mahanap. Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Cheska nang makita ang takot sa mata nito—takot na hindi niya maipaliwanag.Pero nang magtama ang tingin nilang dalawa, kitang-kita niya kung paano lumambot ang mukha ni Azrael. Para bang sa isang iglap, ang kaguluhan nito ay napalitan ng ginhawa.“Anong problema?” mahinahong tanong ni Cheska, hawak pa ang kutsarang may kanin na dapat sana ay isusubo niya.“Damn it,” mahinang mura ni Azrael habang napapikit, napahinga nang malalim. “I thought you left.”Hindi niya alam kung bakit pero sa simpleng salitang iyon, parang may pumulandit na init sa dibdib ni Cheska.“Gutom na kasi ako,” mahinang paliwanag niya, pilit na pinapakalma ang sariling damdamin. “Nagpadeliver ako ng pagkain—hoy!”Napatigil siya at napatitig nang biglang humiga si Azrael sa tabi niya at gin
Huling Na-update : 2025-05-21 Magbasa pa