Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kierra nang nasa kusina na siya. Tapos na ang pagkain ng pamilya Buenavista, at para siyang lalagnatin sa ginawa ni Aiden kanina. Kinagat niya ang kuko niya habang nakatitig sa lababo at saka mariing pumikit, pilit na pinapakalma ang sarili.“Ikaw na ang maghugas ng pinggan, Kierra,” ani ng matandang kasambahay—si Manang Lourdes, ang pinakamatagal na naninilbihan sa mansion ng mga Buenavista.Agad na iniurong ni Kierra ang kamay mula sa pagkagat ng kuko at saka umaktong normal, kahit pa nanginginig pa rin ang kanyang dibdib sa kaba at hiya.“Sige po,” mahinang tugon ni Kierra, pilit na pinapatatag ang boses.“Sige, maiwan na kita at inaayos namin ang likod-bahay. Pagkatapos mo diyan ay sumunod ka na lang,” muling wika ni Manang Lourdes bago ito tuluyang lumabas ng kusina at iniwan siyang mag-isa.Muling bumuntong-hininga si Kierra. Napatingin siya sa hugasan kung saan nakatambak ang mga plato at baso. Kahit pa mayaman ang mga Buenavista, at
Huling Na-update : 2025-05-27 Magbasa pa