Ani Aira habang mariing nakatingin kay Kierra, ang tono ng boses niya ay puno ng hinanakit at kalituhan. Umupo siya sa tabi nito, umaasang makikita niya kahit bahagyang pagkibit o pagsulyap mula sa kaibigan, pero si Kierra ay nanatiling tahimik, pinagmamasdan lang si Xian na masayang naglalaro sa kanyang kandungan.Hindi agad nagsalita si Kierra, pero napalunok siya. Hindi siya makatingin kay Aira, hindi dahil wala siyang sagot, kundi dahil alam niyang totoo ang mga sinabi nito. Alam niyang binago niya ang usapan, at iyon ang pinakamasakit sa lahat."Aira--""Shut up! Iba ang sinabi mo sa airport, sa sinasabi mo ngayon. Maghihintay? Damn it! Pati ako gulong gulo na. Hindi na kita maintindihan, Kierra," mariing ani ni Aira, bakas sa boses niya ang sakit at pagkadismaya.Napatayo ito, hindi para iwan si Kierra, kundi dahil hindi niya na kayang makinig pa. Naupo na lang ito sa tabi ni Zake at pinikit ang mga mata, pilit kinakalmang muli ang sarili.“I don’t deserve him—” bulong ni Kierra,
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-07-06 อ่านเพิ่มเติม