“Magandang umaga, madame Diana.”“Magandang umaga,” bati ko pabalik kay Elena nang bumaba ako ngayong umaga.“Handa na po ang inyong tsaa.”Ngumiti ako. “Salamat, Elena, pero gusto ko sana sa labas mag-tsaa ngayon..”Tumango agad siya kaya nagtungo na ako sa may veranda. Umupo ako sa one-seater na sofa, pinatong naman ni Elena ang tsaa sa harapan ko.Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, sa inuupuan ko ay halos nakikita na ang buong garden sa unahan. Naka-paikot ang mga halaman at puno sa buong mansyon kaya naman laging presko ang simoy ng hangin, ang amoy ng mga dahon at bulaklak ay nakakalat sa paligid.Nag-angat ako ng tingin kay Elena na nakatayo sa tabi ko, hinihintay na may i-utos ako. “Umupo ka muna sa tabi ko, para naman may makausap ako..”Napangiti siya at umupo sa katabing sofa, noong una ay hindi pa siya mapakali. Animo’y nag-iisip ng pwedeng ikwento sa’kin.Lihim akong napangiti habang sumisimsim sa tsaa, naaalala ko noon na ganyan ang mga kaibigan ko dati. Para silang
Last Updated : 2025-08-04 Read more