Simula sa araw na ‘yon, mas lumalim pa ang anumang meron silang dalawa ni Wade. Ang daming nagbago sa pagitan nila. Masasabi niyang mas nagkaroon ng panibagong sigla ang buhay niya. Wade is making her feel alive. Kapag nasa eskwela siya, lagi siyang masigla kapag iniisip na uuwi siya sa piling ni Wade at matutulog katabi ito.Mabuti na rin na tanging si Thea lang ang matatawag na malapit niyang kaklase. Walang nag-aaya sa kanya ng mga galaan. Sa school, sila ang laging magkadikit pero paglabas ng gate, naghihiwalay din kaagad.“So, paano, dito na lang ulit tayo maghihiwalay.”Palinga-linga si Thea sa unahan. Napangiti siya. Alam niya kasi kung sino ang hinihintay nito. Kahapon, nakita niyang sinundo ito ni Sam sa pinakahuling subject nila. Nagkakamabutihan na ang dalawa. Good for them. Deserve ng mga ito ang isa’t-isa.Ang sarap kaya ng ma-in love…She must have known.Dati, hindi pa niya masabi na may ilalalim pa ang pagtingin niya kay Wade. Ngayon, kusa na lang na nabuo sa utak at p
Terakhir Diperbarui : 2025-10-26 Baca selengkapnya